Isang Espirituwal na Labanan
Ni Liang Zhi, Estados Unidos
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Mula sa panahon ng kanilang paniniwala sa Diyos hanggang ngayon, ang mga tao ay nagkupkop ng maraming maling motibasyon. Kapag hindi mo isinasagawa ang katotohanan, iyong pakiramdam na lahat ng iyong layunin ay tama, ngunit kapag may nangyari sa iyo, makikita mong maraming maling pag-uudyok sa iyong kalooban. Kaya, kapag ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao, nagsasanhi Siya na matanto ng mga ito na maraming pagkaintindi sa kanilang kalooban na humaharang sa kanilang pagkilala sa Diyos. Kapag malaman mong mali ang iyong mga pag-uudyok, kung iyong magagawang itigil ang isinasagawa ayon sa iyong mga pagkaintindi at motibasyon, at magagawang magpatotoo sa Diyos at panindigan ang iyong posisyon sa lahat ng mangyayari sa iyo, ito ay nagpapatunay na kayo ay tumalima na labanan ang laman. Kapag ikaw ay lumaban sa laman, tiyak na mayroon isang labanan sa iyong kalooban. Susubukan at hihimukin ni Satanas ang mga tao na sumunod dito, susubukan at uutusan sila na sundin ang mga pagkaintindi ng laman at panindigan ang mga interes ng laman — ngunit ang mga salita ng Diyos ay liliwanagan at paliliwanagin ang mga tao sa kalooban, at sa oras na iyon ay nasa iyo kung susundin ang Diyos o susundin si Satanas. Pagunahing ipinag-utos ng Diyos sa mga tao na isagawa ang katotohanan upang pakitunguhan ang mga bagay sa kalooban nila, upang pakitunguhan ang kanilang mga kaisipan at mga pagkaintindi na hindi kaayon ng puso ng Diyos. Ginagabayan ng Banal na Espiritu ang mga tao sa kanilang puso, at nililiwanagan at pinaliliwanag sila. Kaya sa likod ng lahat ng bagay na nangyayari sa labanan: Sa bawat oras na isinasagawa ng mga tao ang katotohanan, o isinasagawa ang pag-ibig sa Diyos, mayroong isang malaking labanan, at kahit na ang lahat ay maaaring magmukhang maayos sa kanilang laman, sa kailaliman ng kanilang mga puso, may isang buhay-at-kamatayan na digmaan na, sa katunayan, nagpapatuloy — at sa pagtatapos lamang ng matinding labanang ito, matapos ang laganap na pagmuni-muni, maaaring pagpasyahan ang tagumpay o pagkatalo. Hindi niya alam kung tatawa o hihikbi. Dahil maraming mali sa motibasyon sa kalooban ng mga tao, o kaya’y dahil karamihan sa gawain ng Diyos ang tuligsa sa kanilang pagkaintindi, kapag isinagawa ng mga tao ang katotohanan isang malaking labanan ang ginaganap sa likod ng mga eksena. Ang pagsasagawa ng katotohanang ito, sa likod ng mga eksena ang walang humpay na luha ng dalamhati ng mga tao, ang papatak bago tuluyang mapagpasyahan ng kanilang isipan na bigyang kasiyahan ang Diyos. Ito ay dahil sa labanang iyon na nagtitiis ang mga tao sa paghihirap at pagpipino; ito ang totoong pagdurusa. Kapag ang labanan ay napasaiyo, kung ikaw ay tunay na papanig sa Diyos, magagawa mong bigyan ng kasiyahan ang Diyos” (“Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pagkatapos basahin ang salita ng Diyos nadama kong mahirap isagawa ang katotohanan, kailangan ang espiritwal na laban. Copy from above Nung mga nakaraang taon, nabunyag na masamang tao ang hipag ko. Patatalsikin s’ya ng iglesia pero naguluhan ako at ’di naisagawa ang katotohanan. Sa puso ko, naghirap ako at naging miserable. Sa tulong ng paghatol ng salita ng Diyos nakita kong mapanganib ang magpadala sa emosyon ko. Doon ko lang natalikdan ang aking laman, nailantad at natanggihan ang masama, napayapa ako at naligtas sa pagsasagawa ng katotohanan.
Nagbalik ako, nung 2017, para pamunuan ang iglesia sa bayan namin. Sa isang pagpupulong, sinabi sa ’kin ng mga kapatid ko na habang si Han Bing ang pinuno ng iglesia puro kababawan at doktrina ang sinabi n’ya sa meeting. Kahit saan s’ya pumunta yung mga ginawa n’ya at paghihirap ang lagi n’yang kinukwento para yung iba sambahin at pakinggan s’ya. Pagkatapos s’yang kausapin ng mga kapatid tungkol sa mga isyu, tumanggi s’yang magbahagi sa katotohanan at sinermunan yung iba. Dahil sa mga turo n’ya naging negatibo ang mga kapatid at nawalan sila ng interes sa kanilang mga tungkulin. Sa huli, pinalitan na si Han Bing. Pero tumanggi s’ya na magnilay at unawain ang sarili, at gumawa pa rin s’ya ng kaguluhan at alitan sa mga kapatid at buhay-iglesia, ginulo n’ya. Ilang beses nag-fellowship sa kanya ang mga kapatid, pinakitunguhan s’ya at pinuna, pero tinanggihan n’ya ang lahat ng yon. Pinalaganap pa rin n’ya ang pagiging negatibo, na dahilan ng kaguluhan sa buhay-iglesia … Nung nalaman ko ang inaasal n’ya, galit na galit talaga ako. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Yaong mga nasa iglesia na nagbubulalas ng kanilang makamandag, may malisya na pananalita, yaong mga nasa kalagitnaan ng mga kapatiran na nagkakalat ng mga usap-usapan, pumupukaw ng kawalan ng pagkakaisa at bumubuo ng mga grupo ay dapat naitiwalag mula sa iglesia. Nguni’t dahil ngayon ay isang naiibang panahon ng gawain ng Diyos, ang mga taong ito ay hinihigpitan, sapagka’t sila ay tiyak na nakatalaga na para sa pag-aalis. Yaong mga nagawang tiwali ni Satanas ay lahat mayroong tiwaling disposisyon. Gayunpaman ang ibang mga tao ay mayroong mga tiwaling disposisyon lamang mayroong mga iba na hindi kagaya nito, na hindi lamang sila mayroong tiwali at mala-satanas na disposisyon, kundi ang kanilang mga kalikasan ay sukdulang malisyoso. Ang lahat ng ginagawa at sinasabi ng ganitong uri ng mga tao ay hindi lamang nagpapahayag ng kanilang tiwaling mala-satanas na mga disposisyon, kundi sila mismo ang totoong diyablong Satanas. Ang tangi nilang ginagawa ay gambalain at guluhin ang gawain ng Diyos, guluhin ang pagpasok sa buhay ng mga kapatiran, at sirain ang normal na buhay ng iglesia. Ang mga lobong ito na nakadamit-tupa ay kailangang mapalayas sa malao’t madali….” (“Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nung naalala ko ang siping ito, malinaw kong naintindihan na ’pag sinukat ng salita ng Diyos ang kalikasan ni Han Bing, sa masamang tao nga yon. Pinag-aralan ng mga lider ng iglesia at katrabaho ang ugali n’ya at sabi nila kahit kaya n’yang magtakwil at magdusa habang nagsisilbi, arogante s’ya at, ayaw tanggapin ang katotohanan, wala s’yang pakundangan ayaw itama ang mali kahit pinagsabihan na. Kaya naging masama s’ya. Ayon sa batas ng tahanan ng Diyos, dapat itiwalag ang ganung tao. Pagkatapos sabihin ng mga kapatid na dapat s’yang tanggalin sa iglesia, nakadama ako ng kaguluhan. Sa pagtingin ko sa pag-uugali n’ya, nakita kong masama nga s’ya at dapat itiwalag, pero nakababata s’yang kapatid ng asawa ko, at ang mga biyenan ko, naging mabait sila sa ’kin at ganun din sa aking pamilya. Kapag nalaman nilang payag akong itiwalag si Han Bing, iisipin nilang wala akong awa at utang na loob di ba? Paano ko sila haharapin pagkatapos ng ginawa kong yon? Pero bilang pinuno ng iglesia, kung ’di ko susundin ang mga prinsipyo, gayung alam kong may masama pero ’di tatanggalin, at kung hahayaan ko s’yang guluhin ang iglesia at saktan ang mga hinirang, lalabas na kasabwat ako, at kaaway ng Diyos di ba? Tama. Natakot ako na isipin yon. Naipit ako sa dalawang bato. Hindi ko alam ang gagawin ko. Si sister Zhou nakitang problemado ako sinabi n’yang, “Brother Liang, ginulo ni Han Bing ang iglesia at di man lang s’ya nagpapakita ng pagsisisi. Base sa prinsipyo, dapat s’yang tanggalin sa iglesia para maprotektahan ang gawain ng iglesia. Kailangan nating ikonsidera ang kalooban ng Diyos at wag magpadala sa emosyon.” Pagkarinig ko sa kanya, lalo lang akong naguluhan.
Pagkatapos noon, ipinayo ng ilang kapatid, “Ilang taon nang nanalig sa Diyos si Han Bing, iniwan n’ya ang pamilya at karera para maisagawa ang tungkulin. Bigyan natin s’ya ng pagkakataon para magsisi.” Pagkarinig ko no’n, alam kong nasabi lang ‘yon ng mga kapatid dahil nalinlang sila ng magagandang gawain na ipinakita ni Han Bing, Copy from above at kailangang magbahagi kami sa katotohanan upang pag-aralan ang ugali n’ya para malaman nila ang kanyang kalikasan at diwa. Pero naisip ko rin na, si Han Bing ang paboritong anak ng mga biyenan ko, naguguluhan pa sa pananalig ang biyenan kong babae, at emosyonal ang asawa ko. Kung magpapasya akong itakwil si Han Bing at ilalantad ko sa mga kapatid at susuriin ang ugali n’ya, hayagan kong binabangga ang pamilya ng asawa ko di ba? Kung magsasalita ako ng maganda tungkol kay Han Bing sa mga kapatid, tapos ay magbabahagi sa kanya para magsisi at wag nang gumawa ng gulo, kung gano’n pwede pa s’yang hindi matanggal sa iglesia, at sa gano’n, hindi ko na kailangang banggain ang pamilya ng asawa ko. Nabawasan ang pagkabahala ko dahil sa ideyang yon, kaya sinabi ko sa mga kapatid na “Totoong nakagawa ng masama si Han Bing at nagkasala s’ya, pero kalooban ng Diyos na iligtas ang tao sa anumang paraan, kaya bigyan natin s’ya ng pagkakataong magsisi. Pag gumawa s’ya ulit ng kasamaan, puwede naman natin siya du’n itiwalag, at kailangan n’ya ‘yung tanggapin.” Nung narinig ni Sister Zhou ang mga salitang yon, parang may gusto s’yang sabihin, pero nanahimik na lang s’ya. Yung iba hindi na rin nagsalita. Nadama kong gumaan ang tensyon sa puso ko. Naisip ko sa wakas ’di ko na aalalahanin ang mga biyenan ko. Pero pagkalipas ng dalawang araw, nagkaro’n ako ng singaw; tatlo ang tumubo sa bibig ko. Pakiramdam ko parang inaapuyan ang bibig ko. Hindi ako makakain o makapagsalita sa sobrang sakit, at sa sobrang lala, nagising ako sa gabi. Nagdasal ako sa gitna ng paghihirap ko: “Diyos ko, alam kong ang mga singaw na ’to sa bibig at dila ko ay hindi basta na lang tumubo nang kusa; ito ang paraan Mo para disiplinahin ako. Diyos ko! Gusto kong magsisi sa’Yo.”
Habang nagdarasal ako, nakita ko ang salita ng Diyos: “Ang Diyos ay palaging nasa puso nila na talagang naniniwala sa Diyos at palaging taglay sa loob nila ang isang pusong gumagalang sa Diyos, isang pusong maibigin sa Diyos. Yaong mga naniniwala sa Diyos ay gumagawa dapat ng mga bagay sa pamamagitan ng isang maingat at mapanagot na puso, at ang lahat ng kanilang ginagawa ay alinsunod dapat sa mga kinakailangan ng Diyos at makalulugod sa puso ng Diyos. At sila ay hindi dapat matigas ang ulo, ginagawa ang anumang maibigan; na hindi angkop sa banal na kagandahang-asal. Hindi dapat magwala ang mga tao at iwagayway ang bandila ng Diyos kung saan-saan habang nagyayabang at nanloloko kahit saan; ang paggawa nito ay ang pinakarebelyosong pagkilos. Ang mga pamilya ay mayroong kanilang mga patakaran at ang mga bansa ay mayroong kanilang mga batas, hindi ba’t lalo na sa tahanan ng Diyos? Hindi ba’t ang mga pamantayan ay lalong mas mahigpit? Hindi ba’t mas maraming atas administratibo? Malaya ang mga tao na gawin kung ano ang gusto nila, nguni’t ang mga atas administratibo ng Diyos ay hindi maaaring basta na lamang mababago kung kailan gustuhin. Ang Diyos ay isang Diyos na hindi nagpapahintulot sa mga tao na saktan Siya at ang Diyos ay isang Diyos na naglalagay sa mga tao sa kamatayan — hindi pa ba talaga ito alam ng mga tao?” (“Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Natakot ako dahil sa mga salita ng Diyos. Banal at matuwid ang disposisyon Niya, ’di hinahayaan ang pagkakasala. Si Cristo at ang katotohanan ang naghahari sa tahanan n’ya. Ang nadarama ng Diyos sa masasamang taong gumugulo sa iglesia ay pagkasuklam. At para sa may pang-unawa ngunit patuloy sa pagkampi sa masasama, matinding galit ang nararamdaman sa kanila ng Diyos. Si Han Bing na tumangging isagawa ang katotohanan, na ginambala’t ginulo ang gawain ng iglesia, ay isang masamang tao na inilantad ng gawain ng Diyos at nararapat itakwil. Pero para maprotektahan ang relasyon ko sa pamilya ng asawa ko, kinalaban ko ang konsensya ko at gumawa ng paraan para pagtakpan ang masama. Kinampihan ko ang masamang tao at prinotektahan ko rin s’ya. Sa ginawa kong yon, naging kasabwat n’ya ako di ba? Bilang parangal, hinayaan ako ng Diyos na mamuno, pero wala akong respeto sa Kanya. Alam ko ang katotohanan pero ’di isinagawa, sa halip ay sumama ako sa pandaraya para ’di matanggal ang masamang tao, kahit ginulo n’ya ang iglesia at ang mga kapatid. Malinaw na nagkakasala ako sa disposisyon ng Diyos! Pwedeng malinlang ng mga kilos ko ang mga tao pero ’di ang Diyos. Nakikita Niya ang nasa puso mo. Pa’no n’ya kukunsintihin ang tulad kong gumawa ng kasamaan? Nilabag ko S’ya at alam ko na kung ’di ako magsisisi, itatakwil ako ng Diyos. Kaya nagdasal agad ako para magsisi. Pagkasabi ko sa mga kapatid, inilista namin ang kasamaan ni Han Bing at kumilos para matiwalag s’ya. Nung nagbalik-loob ako sa Diyos, himalang gumaling ang mga singaw ko sa bibig.
Matapos ang dalawang araw, nagpunta ako sa biyenan kong babae, nakita ko si Han Bing sa bahay. Nung nakita n’ya ako, pagalit s’yang tumingin sa ’kin, tapos umalis na. Galit na sinabi sa ‘kin ng biyenan ko, “Ilang taon nang nanalig sa Diyos ang hipag mo, naghirap s’yang magpalaganap ng ebanghelyo. Sino ba ang walang tiwaling disposisyon? Kapag tinanggal s’ya ng iglesia, mawawalan s’ya ng pag-asang maligtas di ba? Maawa ka naman sana sa kanya!” Nagsalita rin ang asawa ko para ipagtanggol si Han Bing. Nung nakita ko silang emosyonal at walang ga’nong alam kay Han Bing, ibinahagi ko sa kanila ang mga kasamaang pinaggagawa n’ya. Pero hindi ako pinakinggan ng biyenan kong babae. Sa halip, pinagsisigawan n’ya ako. Noong nakitang galit siya, sinisi ako ng asawa ko. Nang makita ko iyon, nakadama ako ng panghihina, ni hindi ko magawang kumain. Nung gabing yon, habang nasa kama, ’di ako makatulog kahit anong pilit ko. Kailangan kong itiwalag ang masama para protektahan ang iglesia, pero inaakusahan ako ng biyenan at asawa ko. Anong gagawin ko? Kung ititiwalag ko ang hipag ko, masasaktan ko ang pamilya ng biyenan ko, na pwedeng makaapekto sa relasyon ko sa asawa ko at pwedeng ikasira ng pamilya ko. Pero kung hahayaan ko sa iglesia ang masamang tao may posibilidad na manganib ang buhay-iglesia at maapektuhan ang buhay ng mga kapatid. Nakadama ako ng pagkalito habang iniisip ko ang lahat. Ang nagawa ko lang ay ang magdasal sa Diyos: “Diyos ko, pinanghihinaan po ako. Tungkol sa pagtatanggal kay Han Bing, hindi ko gustong saktan Ka, pero naipit ako ng emosyon ko at nahihirapan akong isagawa ang katotohanan. Bigyan Mo sana ako ng lakas tulungan Mo akong malagpasan ang pwersa ng kadiliman para makapagpatotoo sa’Yo.”
Tapos nagbasa pa ako ng salita ng Diyos: “Sa bawat hakbang ng paggawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas, mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na parang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at nangangailangan sa tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay ang mga gawain ng tao, at panghihimasok ng mga tao” (“Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Nakapagsabi na ang lahat na isasaalang-alang nila ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia. Sino ba talaga ang nagsaalang-alang na sa pasanin ng Diyos? Itanong sa sarili: Ikaw ba’y isa na nagpakita na ng pagsasaalang-alang para sa pasanin ng Diyos? Makakapagsagawa ka ba ng pagkamakatuwiran para sa Diyos? Makakapanindigan ka ba at makakapagsalita para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? Ikaw ba’y may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapapahintulutan mo ba ang Aking kalooban na matupad sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso kapag dumarating ang kritikal na sandali? Ikaw ba’y isa na nagsasakatuparan ng Aking kalooban? Tanungin mo ang sarili at mag-isip tungkol dito nang madalas” (“Kabanata 13” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Tumusok sa puso ko ang tanong ng Diyos na may halong sakit at paghihirap. Naramdaman ko ang katapatan ng Kanyang kalooban. Umasa Siyang haharapin ko ang masamang tao nang ’di umaasa sa emosyon o damdamin, at buong-tapang na kakampi sa Diyos at isasagawa ang katotohanan para mapasaya Siya. Naisip ko si Job habang may pagsubok, at paanong habang sa panlabas ay tinanggalan ng yaman, namatay ang mga anak, at inatake ng asawa n’ya at tatlong kaibigan, sa likod ng lahat ng ito ay ang pusta ni Satanas sa Diyos. Mga tukso yon ni Satanas na dumating kay Job. Sa wakas, nagawang pumanig ni Job sa Diyos dahil sa pananampalataya n’ya sa Kanya. Pinahiya n’ya at binigo si Satanas, at matunog siyang nagpatotoo para sa Diyos. Sobrang tindi ng pressure na binigay sa ’kin ng biyenan kong babae, sa katunayan, isa yung digmaan sa espirituwal na daigdig. Isa yung pakana ni Satanas. Sinamantala n’ya ang emosyonal na koneksyon ko para manatili ang masamang tao at magpatuloy sa pagsira sa iglesia. Pero ginamit yun ng Diyos para subukan ako para makita kung sasanib ako kay Satanas dahil sa asawa’t biyenan ko, o kung isasagawa ko ang katotohanan, at susundin ang prinsipyo. Kung pinili kong pasayahin ang laman ko at kumampi kay Satanas, para akong nahulog sa pakana n’ya di ba? Kung ginawa ko yon, mawawala ko ang patotoo sa presensya ng Diyos.
Nung inisip ko yon, nagsimula akong magnilay-nilay: Sa panahon na yon na kailangang mamili ako, bakit naramdaman kong naipit ako sa dalawang bato? Naintindihan kong dapat protektahan ang iglesia, pero bakit nagpadala ako sa damdamin ko at nahirapang isagawa ang katotohanan? Binasa ko ang salita ng Diyos, at nakita ko ang ugat ng problema: “Isinilang sa isang napakaruming daigdig, ang tao ay nasira na nang labis ng lipunan, siya ay naimpluwensiyahan na ng mga etikang pyudal, at naturuan na sa ‘mga instituto ng dalubhasaan.’ Ang paurong na kaisipan, tiwaling moralidad, masamang pagtanaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya sa pamumuhay, lubos na walang saysay na pag-iral, at napakabuktot na uri ng pamumuhay at mga kaugalian — lahat ng bagay na ito ay matinding nanghimasok na sa puso ng tao, at matinding nagpahina ng kanyang katuwiran at inusig ang kanyang konsensya. Bilang resulta, ang tao ay mas lalong malayo sa Diyos, at mas lalong naging tutol sa Kanya. Ang disposisyon ng tao ay lalong nagiging mas mabangis sa bawat araw, at wala ni isa mang tao ang magkukusa na talikdan ang anuman para sa Diyos, kahit isang tao na kusang susunod sa Diyos, ni, higit pa rito, isang tao na magkukusang maghanap sa pagpapakita ng Diyos. Sa halip, sa ilalim ng sakop ni Satanas, ang tao ay walang ginawa kundi magpatuloy sa pagpapakasaya, ibinibigay ang sarili sa katiwalian ng laman sa pusali” (“Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa salita Niya, naintindihan kong nabalot ako ng emosyon at ’di isinagawa ang katotohanan at lumaban sa Diyos dahil tiniwali ako ni Satanas. Ginamit n’ya ang edukasyon para itanim ang pilosopiyang “Ang bawat tao ay para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” “Mas matimbang ang dugo kaysa tubig,” at “’Di buhay ang tao; pa’no siya naging malaya sa emosyon?” para makita kong ang damdamin ko sa iba ang pinakamahalaga, para maisip kong ang pag-iingat sa mga relasyon at pagiging sensitibo sa damdamin ay normal lamang na ganun ang mga tao, at kawalan ng puso ang hindi paggawa no’n, at sisisihin ako ng iba. Tinuring kong positibo ang pilosopiyang ito mga prinsipyong dapat isabuhay, at dahil sa satanikong pilosopiya nawalan ako ng prinsipyo, nalito sa tama’t mali, naging makasarili, tuso at mapanlinlang. Sa pagpapatalsik kay Han Bing, natakot ako na tawaging walang puso ng mga kamag-anak ko; dahil dito, binalewala ko ang iglesia at ang buhay ng mga kapatid. Naging makasarili at masama ako. Dahil sa ginawa ko, naging inggrato talaga ako at walang puso. Kung iisipin natin kung bakit sobrang sama ng ating lipunan at walang hustisya, yun ay dahil nabubuhay ang lahat base sa satanikong pilosopiya. Sa kahit na anong grupo ng mga tao, makamundong relasyon lang ang iniisip nila. Nagsasalita lang sila para sa pinakamalapit sa kanila. Kahit may ginagawa silang ilegal o isang krimen, nag-iisip ng paraan ang tao para tulungan at magawa silang protektahan. Du’n ko lang nakitang ang satanikong pilosopiyang ito’y tila makatwiran at moral at saka tila umaayon sa pagkaunawa ng tao, Copy from above pero ang totoo kamalian yong gamit ni Satanas para linlangin tayo. Galit yon sa katotohanan at sa Diyos. ’Pag nabuhay tayo sa ganito, makakasakit tayo at isasabuhay ang kalikasan ng demonyo. Dati nabuhay ako ayon sa satanikong pilosopiya, prinotektahan ang masama at umayon sa kamalian n’ya. Pero hindi yun ginamit ng Diyos laban sa akin, hinayaan pa rin Niya akong magsisi, kaya nagpapasalamat ako. Kaya tahimik akong nagdasal sa Diyos at gumawa ng panata: Hindi na po ako magpapadala sa emosyon ko. Ang gusto ko lang ay mahalin ang mahal Mo at magalit sa ayaw Mo ayon sa salita Mo, panindigan ang katotohanan, at itiwalag ang masama sa iglesia.
Kinabukasan, sa pulong ng kapatiran, nalaman kong di pa naiintindihan ni Han Bing ang sarili n’ya o nagpapakita ng pagsisisi, nanunulsol pa rin s’ya, gumagawa ng grupo. Nung nalaman ko yon, mas lalo kong sinisi ang sarili ko. Nagalit ako dahil nagpadala ako sa emosyon ko, hinayaan ko lang s’yang guluhin ang buhay-iglesia. Sa sunod naming meeting, ginamit ko ang salita ng Diyos para pag-aralan ang lahat ng mga ginawang kasamaan ni Han Bing, at sa pagbabahagi, nabuksan ang isipan ng mga nilinlang ni Han Bing at tinanggihan na s’ya. Pagkatapos maunawaan ang katotohanan, nalaman ng asawa ko ang kalikasan ni Han Bing, at ’di na nakikipagtalo pa. Pagkatiwalag kay Han Bing sa iglesia, wala nang nanggulo ro’n, kaya nakapunta na sa meeting ang mga kapatid at nakapaglingkod na. Pinuri namin ang Diyos sa katuwiran Niya! Nakita kong sa tahanan Niya, ang salita N’ya at katotohanan ang may kapangyarihan, na ang lahat ay iniayon sa katotohanan, at ang ’di nananalig, masasama, anticristo ay di mananatili sa tahanan Niya. Personal ko ring naranasan na masasaktan lang tayo kung mamumuhay sa satanikong pilosopiya. Walang mahihita ro’n ang kahit sino. Makakadama lang tayo ng kaligtasan kung mabubuhay sa salita Niya. Ngayon hindi na ako nabubuhay sa satanikong pilosopiya, di na ’ko napipigilan ng emosyon, isinasagawa na ang katotohanan, at kaya ko nang maging matuwid — ito ay dahil sa Diyos, bunga ito ng paghatol at pagkastigo ng salita Niya.