Bakit Ang Lahat ng mga Angkan sa Lupa Ay Mananaghoy Kapag Nakikitang Bumababa ang Panginoon sa Mga Ulap?

Pagdating ni Jesus
2 min readMay 18, 2021

--

Sabi sa Pahayag 1:7, “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kaniya.” Nagtataka ka ba, “Sa pagkakita sa Panginoon na dumarating sa mga ulap, bakit ang lahat ng mga tao ay magsisitaghoy sa halip na nagagalak?” Sa totoo lang, kung hindi malinaw sa atin ang tungkol sa katanungang ito at basta na lamang bulag na naghihintay sa pagbaba ng Panginoon sa mga ulap, kasama tayo sa mga magsisitaghoy at magngangalit ng kanilang mga ngipin. Sa katunayan, mayroong 2 mga hakbang ng pagparito ng Panginoon sa mga huling araw: Siya ay unang paparito ng lihim upang gumawa ng isang pangkat ng mga mananagumpay bago ang mga sakuna, at pagkatapos ay hayagan na Siya ay bababa sa mga ulap upang gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang masama. Sa oras na iyon, ang katapusan ng bawat tao ay matutukoy. Yaong mga hindi tumanggap ng lihim na pagparito ng Panginoon at na lumalaban at kinondena ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay lahat ay mahuhulog sa sakuna, magnanangis at magngangalit ng kanilang mga ngipin.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ninyo nang sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa inyo, subalit dapat ninyong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan ninyong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba ninyo sa impiyerno para maparusahan. Sa panahong iyon magwawakas ang plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari iyon kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama.

Ngayon ang Panginoon ay bumalik na nang palihim bilang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao, na nagsasalita ng mga salita upang gawin ang gawain ng paghahatol at pagdadalisay ng tao. Samakatuwid, kung nais nating salubungin ang Panginoon, dapat nating agarang hanapin at siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Nauukol ito sa ating mga kahihinatnan at patutunguhan, kaya hindi natin ito maaaring balewalain.

Kung mayroon kayong anumang mga katanungan o nais ninyong malaman ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng Messenger. Online kami 24 oras sa isang araw upang makipag-usap sa inyo.

Ang mga sakuna ay madalas na nagaganap. Ang mga palatandaan ng paghuhukom ay naglitawan. Kaya paano tayo mara-rapture bago ang malaking kapighatian? Basahin na ngayon upang makuha ang sagot.

--

--

Pagdating ni Jesus
Pagdating ni Jesus

Written by Pagdating ni Jesus

Natutupad na ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon, kaya paano natin sasalubungin pagdating ni Jesus?

No responses yet