Bakit Pinahihintulutan ng Diyos na Dumating ang mga Sakuna? Ano ang Kalooban ng Diyos?

Pagdating ni Jesus
3 min readFeb 26, 2021

--

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “kapag nagagalit ang Diyos sa tao, umaasa Siya na makakaya ng tao na magsisi nang tapat, at umaasa Siya na makikita ang tunay na pagsisisi ng tao, na dahil dito, buong laya Niyang ipagpapatuloy na ipagkaloob ang Kanyang awa at pagpaparaya sa tao. Ibig sabihin nito na ang masamang ugali ng tao ang nagdudulot ng poot ng Diyos, at kung saan ang awa at pagpaparaya ng Diyos ay ipagkakaloob sa mga nakikinig sa Diyos at tunay na nagsisisi sa harap Niya, sa mga makatatalikod sa kanilang masasamang gawi at maiiwan ang karahasan ng kanilang mga kamay.

Ang huling gawain Ko ay hindi lamang para parusahan ang tao kundi para din sa kapakanan ng pagsasaayos ng hantungan ng tao. Higit pa rito, ito ay para sa kapakanan ng pagtanggap ng pagkilala mula sa lahat para sa lahat ng nagawa Ko. Nais Kong makita ng bawat isang tao na ang lahat ng nagawa Ko na ay tama, at ang lahat ng nagawa Ko na ay kapahayagan ng Aking disposisyon; hindi ito gawain ng tao, lalong hindi ng buong kalikasan, na nagbunga ng sangkatauhan. Bagkus, Ako ang nag-aalaga sa lahat ng nabubuhay na nilalang sa sangnilikha. Kung wala Ako, mapapahamak lamang ang sangkatauhan at sasailalim sa hampas ng kalamidad. Walang taong makakakitang muli kahit kailan ng magandang araw at buwan o ng luntiang mundo; ang mararanasan lamang ng sangkatauhan ay ang maginaw na gabi at hindi natitinag na lambak ng anino ng kamatayan. Ako lamang ang kaligtasan ng sangkatauhan. Ako ang tanging pag-asa ng sangkatauhan at, lalo na, Ako ang Siyang dahilan kung bakit umiiral ang buong sangkatauhan. Kung wala Ako, ang sangkatauhan ay agad na darating sa ganap na pagtigil. Kung wala Ako, ang sangkatauhan ay daranas ng matinding kapahamakan at tatapakan ng lahat ng uri ng mga multo, kahit na walang nakikinig sa Akin. Nakagawa na Ako ng gawaing walang sinuman ang makagagawa, ang tangi Kong pag-asa ay mababayaran Ako ng tao ng ilang mabubuting gawa. Kahit na yaong makakabayad sa Akin ay napakaunti, tatapusin Ko pa rin ang Aking paglalakbay sa mundo ng tao at uumpisahan ang susunod na hakbang ng Aking gawaing nalalantad, dahil lahat ng Aking pagmamadaling pagparoo’t parito sa gitna ng tao nitong maraming taon ay naging mabunga, at lubos Akong nasisiyahan. Ang Aking iniintindi ay hindi ang bilang ng mga tao bagkus ang kanilang mabubuting gawa. Gayon pa man, umaasa Ako na naghahanda kayo ng sapat na mabubuting gawa para sa inyong hantungan. Saka Ako masisiyahan; kung hindi, wala sa inyo ang makatatakas sa sakunang darating sa inyo. Ang sakuna ay nagmumula sa Akin at mangyari pa ay isinasaayos Ko. Kung hindi kayo makapagpapakita bilang mabuti sa Aking mga mata, kung gayon hindi ninyo matatakasan ang paghihirap ng sakuna.

Hinango mula sa “Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Makikita mula sa mga salita ng Diyos na ang paglitaw ng mga sakuna ay nangangahulugang paglabas ng poot ng Diyos. Sa mga araw ngayon, ang sangkatauhan ay napakatiwali. Sinasamba ng mga tao ang kasamaan at karahasan at kinamumuhian ang katotohanan, nagpapakasawa sa kasaganaan, naghahanap ng kasiyahan at kahalayan, pansariling pagnanasa. Kahit sa publiko ay itinanggi at nilabanan nila ang Diyos. Samakatuwid, ang mga sakuna ay upang parusahan at wasakin ang kasamaan. Gayunpaman, sa pamamagitan ng pagpahintulot na mangyari ang mga sakuna, nilalayon din ng Diyos na pukawin ang mga pusong manhid ng tao, inaasahan na ang tao ay tunay na magsisi at makatamo ng kaligtasan ng Diyos. Ngayon ang Panginoon ay bumalik bilang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, at ipinahayag Niya ang katotohanan upang gawin ang gawain ng paghahatol at pagdadalisay. Kailangan nating hanapin at siyasatin ang tunay na daan, tanggapin ang gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw, madalisay ang katiwalian, at tunay na magsisi, sapagkat sa ganitong paraan lamang tayo makakatamo ng proteksyon ng Diyos at makaligtas sa mga sakuna. Kaya nais mo bang hanapin at siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa Messenger.

--

--

Pagdating ni Jesus
Pagdating ni Jesus

Written by Pagdating ni Jesus

Natutupad na ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon, kaya paano natin sasalubungin pagdating ni Jesus?

No responses yet