Mababago ba Talaga ng Kaalaman ang Iyong Kapalaran?
Ang ating tagapagsalaysay, na lumaki sa isang mahirap na pamilya ng mga magsasaka, ay ginagamit ang kasabihang “Kayang baguhin ng kaalaman ang iyong tadhana” bilang mga salitang inspirasyonal. Subalit, matapos mabigo ang pangarap niyang makapasok sa unibersidad, ipinapapasan niya sa kanyang anak na babae ang kanyang mga pag-asa, kinokontrol siya na sundin ang istriktong pag-aaral. Subalit, ang academic pressure na ‘yon ang naging dahilan para maging mas antisocial ang kanyang anak, at lumayas din ito sa bahay nang isang gabi. Balisa ang ating tagapagsalaysay at pinahirapan ng mga alalahanin ng kung ano ang maaaring mangyari sa kanyang anak hanggang sa nabasa niya ang salita ng Makapangyarihang Diyos at napagtanto ang ideya na “Kayang baguhin ng kaalaman ang iyong tadhana” ay walang naibigay kundi sakit at paghihirap para sa kanya at sa kanyang anak. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng salita ng Diyos, naunawaan niya kung paano dapat tratuhin ang kaalaman, at paano tuturuan ang kanyang anak sa pagtahak sa tamang landas sa buhay.