Nais Mo bang Malaman kung Anong Klaseng Tao ang Pangangalagaan ng Diyos sa Gitna ng mga Sakuna?

Pagdating ni Jesus
2 min readJun 17, 2021

--

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Magmumula sa Akin ang sakuna at mangyari pa ay isinasaayos Ko. Kung hindi kayo lilitaw bilang mabuti sa paningin Ko, hindi ninyo matatakasang pagdusahan ang sakuna.
Ang awa Ko ay inihahayag sa mga nagmamahal sa Akin at nagtatatwa ng kanilang mga sarili. Samantala, ang kaparusahang sumasapit sa masasama ay mismong patunay ng matuwid na disposisyon Ko at, higit pa, patotoo sa poot Ko. Kapag sumapit ang sakuna, lahat ng sumasalungat sa Akin ay mananangis habang sila’y binibiktima ng taggutom at salot. Silang nakagawa na ng lahat ng uri ng kasamaan, ngunit sumunod na sa Akin nang maraming taon, ay hindi makatatakas sa pagbabayad para sa kanilang mga kasalanan; sila rin ay mahuhulog sa sakuna, na ang katulad ay bihirang nakita sa loob ng milyon-milyong taon, at mamumuhay sila na palaging may sindak at takot. At yaong mga tagasunod Ko na nakapagpakita na ng katapatan sa Akin ay magagalak at pupurihin ang kapangyarihan Ko. Mararanasan nila ang di-mailarawang katiwasayan at mabubuhay sa gitna ng kagalakang kailanman ay hindi Ko pa naipagkaloob sa sangkatauhan. Dahil itinuturing Kong yaman ang mabubuting gawa ng tao at kinasusuklaman ang kanilang masasamang gawa.
Kaibigan, pagkatapos basahin ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos, alam mo ba kung anong klase ng tao ang makakakuha ng proteksyon ng Diyos sa gitna ng mga sakuna? Tama, ang pinoproteksyunan ng Diyos ay yaong nakikinig sa mga salita ng Diyos, nagsasagawa ng katotohanan, sinusunod ang Diyos, nagmamahal sa Diyos, at matapat sa Diyos. Kaya, nais mo bang malaman kung paano maging ganong klaseng tao at makamit ang proteksyon ng Diyos?

Magrekomenda nang higit pa:

Ang pandemya, lindol, baha, bagyo at iba pa, ay lalong naging madalas. Natupad nito ang propesiya ng pagbabalik ng Panginoon. Kaya’t nagbalik na ang Panginoon. Paano natin Siya masasalubong at pagpalain Niya? Ipinapakita ng video na ito ang paraan. I-click upang panoorin ngayon: Pagpalain ng Diyos

--

--

Pagdating ni Jesus
Pagdating ni Jesus

Written by Pagdating ni Jesus

Natutupad na ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon, kaya paano natin sasalubungin pagdating ni Jesus?

No responses yet