Ang mga Kamangha-manghang Gawa ng Diyos sa Pamamahala ng Lahat ng Bagay
Ang mga Kamangha-manghang Gawa ng Diyos sa Pamamahala ng Lahat ng Bagay
Ⅰ
Sa paglipas ng mga siglo,
ang maliit na batis unti-unting dumaloy
sa paligid ng paanan ng bundok,
marahang sumusunod sa daang ginawa ng bundok.
Nakabalik ito sa bahay,
sumama sa ilog, at dumaloy sa dagat.
Sa pagkalinga ng bundok,
ang agos, ang agos ay ‘di kailanman nawala,
‘di nawala.
Ang maliit na batis at ang malaking bundok,
sila’y umasa sa isa’t isa,
pinigilan nila ang isa’t isa,
umasa sila sa isa’t isa.
Ⅱ
Sa paglipas ng mga siglo,
ang mabangis na hangin ay ‘di nagbago.
Palaging umuungol sa bundok,
umihip ng malaking buhawi ng buhangin,
pagbisita sa bundok, gaya ng dati.
Binantaan nito ang bundok,
ngunit ‘di kailanman sinira ang gitna.
Sila’y nagpatuloy sa parehong paraan tulad ng dati.
Ang mabangis na hangin at ang malaking bundok,
sila’y umasa sa isa’t isa,
pinigilan nila ang isa’t isa,
umasa sila sa isa’t isa.
Ⅲ
Sa paglipas ng mga siglo,
ang malaking alon ay ‘di nagpahinga,
at ‘di tumigil sa paglawak.
Ito’y dadagundong at dadaluyong paulit-ulit.
Gayunpaman, ang malaking bundok
isa mang pulgada’y ‘di gumalaw kailanman.
Binantayan nito ang karagatan,
at ang mga nilalang sa dagat
ay dumami at umunlad.
Ang malaking alon at ang malaking bundok,
sila’y umasa sa isa’t isa,
pinigilan nila ang isa’t isa,
umasa sila sa isa’t isa.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Naranasan mo na ba ang gayong mga problema: Hindi sinasagot ng Diyos ang iyong mga dasal at hindi mo alam kung paano manalangin nang naaayon sa kalooban ng Diyos? Huwag kang mag-alala! Makinig sa mga sumusunod na mga Christian praise and worship tagalog gospel songs at makikita mo ang paraan upang ang iyong mga panalangin ay madinig ng Diyos.