Sa Aklat ni Zacarias sa Biblia, ipinropesiya na: “At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan….” Siguradong ang pagbalik ng Panginoon ay magaganap sa Bundok ng mga Olivo sa Judea, subaliat pinatototohanan mo na nagbalik na ang Panginoong Jesus, na nagpapakita at gumagawa sa China. Ang China ay isang bansang ateista at ang pinakamadilim at pinaka-napag-iiwanang bansang labis na lumalaban sa Diyos, kaya paano magaganap ang pagbalik ng Panginoon sa China? Talagang hindi namin ito maunawaan, kaya pakisagot ito para sa amin.
Sagot: Ito’y halos dalawang libong taon na nang ang Panginoong Jesus ay lumabas sa Judea. Ngayon, dumating na ang mga huling araw, at ang lahat ng uri ng mga pagkagutom, salot, lindol, baha at tagtuyot ay mas madalas nang lumalabas, mas malawakan, at mas matindi. Iba-ibang mga nasyon sa lahat ng dako ng mundo ay pabago-bago at hindi matatag, may mga aktibidad ng terorista, etnikong away, at lahat ng uri ng digmaang paulit-ulit na nangyayari. Sa mga relihiyosong grupo, ang lahat ng mga iglesia ay bumagsak sa dilim dahil nawala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu. Mayroong inggit at tunggalian sa pagitan ng mga magkakatrabaho, at ang pananalig at pagmamahal ng maraming mga kapatid ay nanlalamig. Sunod-sunod na lumalabas ang mga bulaang propeta at anticristo sa buong mundo. Mga kapatid, sapat na ang mga ganitong patong-patong na katotohanan upang maipaliwanag na ang propesiya sa pagbabalik ng Panginoon ay natupad na. Kaya saan bumaba ang Panginoong Jesus? Halos lahat ng mga taong umaasa sa pagbabalik ng Panginoon ay nag-iisip na ang Panginoong Jesus ay bababa sa Bundok ng Oliba sa Judea dahil sa propesiya sa Zacarias 14: “At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan.” Gayun pa man, ang gawain ng Diyos ng mga huling araw ay lagpas sa imahinasyon ng lahat at nakawala sa paniwala ng lahat. Pinili ng Diyos ang pinakamadumi, pinakatiwali at madilim, na ateistang bansa tulad ng Tsina bilang lugar ng Kanyang gawain ng mga huling araw. Walang duda na ito’y hindi nakikiayon sa ating mga paniwala at nagdulot sa lahat ng kaunting pagkalito. Kaya bakit nagkatawang-tao ang Diyos sa Tsina? Pag-usapan natin ang tungkol sa aspetong ito ng katotohanan.
Sa unang pagkakataon na nagkatawang-tao ang Diyos, ang lahat ng mga taong naghihintay sa Mesias ay nag-aakalang isisilang si Cristo sa palasyo. Gayun pa man, walang sinuman ang umasa na ang dakila, marangal at supremong Diyos ay isisilang nang simple sa sabsaban. Ang naturang pagdating ni Jesus Cristo ay higit sa imahinasyon ng lahat at binasag ang mga paniwala ng bawat isa. Sa mga huling araw ng mga panahong ito, nagkatawang-tao ang Diyos upang gumawa sa Tsina, minsan pa’y humigit sa mga imahinasyon ng bawat isa at muling binabasag ang mga paniwala ng bawat isa. Ang ilan sa mga kapatid ay hindi matanggap ang reyalidad na ito. Naniniwala sila na ang Diyos ay Diyos ng mga Israelita, kaya imposibleng magkatawang-tao ang Diyos upang gumawa sa ibang bansa, at higit pa riyan imposibleng bumaba sa Tsina. May naturang mga paniwala ang tao dahil minsan nang gumawa ang Diyos ng Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan sa Israel, at ang Panginoong Jesus ay gumawa rin ng Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya sa Judea. Dahil ang parehong mga yugto ng gawaing ito ay ginawa sa Israel, iniisip natin na ang Diyos dapat ng mga Israelita ang Diyos at imposibleng bumaba Siya sa isang Gentil na bansa, at saka imposibleng gumawa sa Tsina. Sa inyong lahat, pakiusap na pag-isipan ito nang mabuti. Dahil lang ang unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos ay ginawa sa Israel, pinatunayan ba nito na ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita at hindi Diyos ng mga Gentil? Masasabi ba nating mahal lamang ng Diyos ang mga Israelita at kinamumuhian ang Gentil? Ang natatanging dugo ng Panginoong Jesus ang tumubos sa mga Israelita, ngunit hindi rin ba nito tinubos ang buong sangkatauhan? Kailangan nating malaman na ang Diyos ay hindi lamang Diyos ng mga Israelita. Ang Diyos ay Diyos din ng buong sangkatauhan. Mayroong awtoridad ang Diyos upang gampanan ng gawain sa Kapanahunan ng Kautusan sa Israel. Mayroon din Siyang awtoridad upang gampanan ng gawain sa Kapanahunan ng Biyaya sa Judea, at lalong may awtoridad Siya para gampanan ang Kanyang malawakang pakikipaglaban at gawaing paghatol sa mga huling araw sa Tsina. Dahil ang Diyos ang Hari ng langit at lupa at lahat ng mga bagay, ang Diyos ng lahat ng mga nilalang. Nagkatawang-tao ang Diyos upang gumawa sa Tsina upang magamit ang aktuwal na katotohanang ito para tibagin ang ating mga paniwala at ipaintindi sa atin na ang Diyos ay hindi lamang Diyos ng mga Israelita, kundi Diyos din ng buong sangkatauhan. May awtoridad ang Diyos upang gampanan ang gawain sa Kanyang mga plano sa anumang bansa at sa gitna ng sinumang mga tao na Kanyang pipiliin. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ginabayan Niya ang mga Israelita at Siya ay pinanganak sa Hudea, at Siya ay pinanganak din sa isang lupa ng mga Hentil. Hindi ba ang lahat ng Kanyang mga gawain ay para sa kabuuan ng sangkatauhan na Kanyang nilalang? … Kung pananatilihin ninyo na ang Diyos ay Diyos lang ng mga Israelita, at pananatilihin na ang tahanan ni David sa Israel ay ang pinanggalingan ng kapanganakan ng Diyos at walang ibang bayan bukod sa Israel ang karapatdapat na ‘gumawa’ ng Diyos, at lalong hindi kahit na sinong pamilyang Hentil na kayang tanggapin nang personal ang gawain in Jehovah-kung ganito pa rin ang inyong pag-iisip, sa gayon hindi ba kayo nagiging matigas ang ulo? … Hindi ninyo rin inisip kahit kailan kung paanong personal na bababa ang Diyos sa isang lupaing Hentil. Siya ay dapat na bumaba sa Bundok ng Sinai o sa Bundok ng Oliba at magpakita sa mga Israelita. Hindi ba ang mga Hentil (yun ay, ang mga tao sa labas ng Israel) ang lahat ng mga bagay na Kanyang kinamumuhian? Paano Siya personal na gagawa kasama nila? Ang lahat ng ito ay ang mga napakalalim na paniwala na iyong pinalago sa maraming mga taon. Ang layunin ng paglupig sa inyo ngayon ay upang wasakin itong mga paniniwala ninyo. Nakita na ninyo ang Diyos na nagpakita nang personal sa inyo-hindi sa Bundok ng Sinai o sa Bundok ng Oliva, kundi sa mga tao na hindi pa Niya kailanman pinamunuan sa nakaraan” (“Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Umalis Ako sa Judea at ginawa ang Aking mga gawain sa mga Hentil sapagkat hindi lamang Ako Diyos ng bayang Israel, subalit Diyos ng lahat ng mga nilikha. Nagpakita Ako sa mga Hentil sa panahon ng mga huling araw dahil hindi lamang Ako si Jehova, ang Diyos ng bayan ng Israel, ngunit, bukod diyan, dahil sa Ako ang Maylalang ng lahat ng Aking mga pinili sa mga Hentil. Hindi Ko lamang nilikha ang Israel, Egipto, at Lebanon, subalit nilikha Ko rin ang mga bansang Gentil sa ibayo ng Israel. At dahil dito, Ako ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha” (“Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pamamagitan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos makikilala natin na ang Diyos ay hindi lamang Diyos ng mga Israelita kundi Diyos din ng buong sangkatauhan. Kung ang Diyos ay bumabang muli sa Judea upang gampanan ng Kanyang gawain sa mga huling araw, habang buhay nating nililimitahan ang Diyos sa ating mga paniwala at iniisip na Siya ay Diyos ng mga Israelita at imposibleng gumawa sa isang Gentil na bansa. Samakatuwid, nagkatawang-tao ang Diyos para gumawa sa Tsina para na rin iligtas ang lahat ng sangkatauhan mula sa kanilang mga paniwala at mga imahinasyon at upang maipaalam sa lahat ng sangkatauhan na ang Diyos ay hindi lamang Diyos ng mga tao sa Israel kundi Diyos din ng lahat ng sangkatauhan. Ang Diyos ay hindi personal na pagmamay-ari ng anumang nasyon; may awtoridad ang Diyos na gampanan ng Kanyang plinanong gawain sa anumang bansa at sa sinumang mga tao. Kahit saan man gumagawa ang Diyos, lahat ng ito ay alang-alang sa Kanyang gawain at para mas maligtas din ang buong sangkatauhan. Iniisip pa rin ba nating makakababa lang ang Diyos sa Judea at hindi maaaring bumaba sa Tsina? Masasabi pa rin ba natin na imposibleng gumawa ang Diyos sa Tsina?
Kailangan nating malaman na ang lahat ng gawain ng Diyos ay maprinsipyo. Pinipili ng Diyos ang lugar ng Kanyang gawain batay sa mga pangangailangan ng gawain. Ang lugar ng Kanyang gawain na pinipili ng Diyos sa bawat kapanahunan ay laging huwaran at pinakamakabuluhan din. Ibig sabihin, ang napiling lokasyon at napiling pakay sa bawat yugto ng Kanyang gawain ay tinukoy alinsunod sa mga pangangailangan ng gawain. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Biyaya, pinili ng Panginoong Jesus na gumawa sa Judea. Sa isang banda, ito ay dahil sa buong sangkatauhan, ang mga Israelita lamang ang sumamba sa Diyos. Sila lamang ang mga piniling tao ng Diyos at sila lamang ang mga taong inasahan ang pagdating ng Mesias. Sa kabilang banda, ang mga Israelita lamang ang mga taong ginabayan ng Diyos na Jehovah gamit ang Kanyang kautusan. Alam nila na ang lumalabag sa kautusan ay kasalanan, at kung nasuway nila ang mga utos, sasailalim sila sa kaparusahan ng Diyos. Samakatuwid, sila lamang ang mga taong may mga pusong iginagalang ang Diyos at kinatakutan ang Diyos. Dahil sa pagpipigil ng kautusan, sila ay, sa lahat ng mga tao, ang hindi masyadong natiwali, at ang gawaing mapantubos ng Diyos ay ang pinakamakabuluhan nang ginawa sa kanila. Bakit ang gawain ng pagtubos ay pinakamakabuluhan lamang kapag ginawa sa mga hindi masyadong tiwaling tao? Dahil kung ang mga hindi masyadong tiwaling tao ay kinakailangang matubos ng Diyos, ang ibang mga tiwaling tao ay mas lalong higit na kinakailangang matubos ng Diyos. Ang kailangan lamang gawin ng Diyos ay tubusin ang mga tao ng Israel, at ito ay magiging katumbas ng pagtutubos sa buong sangkatauhan. Samakatuwid, ang pagpili ng Diyos para gampanan ng Kanyang gawaing mapantubos sa Judea ay huwaran at pinakamakabuluhan din. Ito ay lubusang tinukoy alinsunod sa mga pangangailangan ng gawain ng Diyos at hindi sapalarang pinagpasyahan.
Kinakailangan nating maintindihan ngayon na pinipili ng Diyos ang pinakahuwarang lugar upang gumawa batay sa mga pangangailangan ng gawain upang makamit din ang mga pinakamagandang resulta. Kung kaya, saan pinakahuwaran at pinakamakabuluhan ang pagsasagawa ng gawain ng Diyos ng mga huling araw? Upang maintindihan ang tanong na ito, kailangan muna nating maintindihan kung anong gawain ang kailangang gawin ng Diyos sa mga huling araw. Mga kapatid, sa mga huling araw, kailangang gawin ng Diyos ang gawain ng panlulupig at paghahatol sa sangkatauhan, para ganap na matalo si Satanas at madala ang sangkatauhan sa maluwalhating destinasyon. Kaya batay sa mga pangangailangan ng gawain, ang layon ng gawain ng panlulupig ng Diyos sa mga huling araw dapat pagpaparisan ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Ito’y dahil kung nilulupig lamang ng Diyos ang pinakatiwaling mga tao sa buong sangkatauhan, ito ay magiging katumbas ng paglulupig sa buong sangkatauhan. Samakatuwid, kailangang pumili ang Diyos ng pinakahuwarang lugar para gumanap ng Kanyang panlulupig na gawain sa mga huling araw. Ang Tsina lamang pinakanababagaysa mga kinailangang kondisyon ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ito’y dahil sa buong sansinuklob, ang mga Tsino lamang ang pinakatiwali, ang pinakapaurong, at ang kanilang panlalaban sa Diyos ay pinakamalubha. Ang mga Tsino ay naniwala sa Diyos sa napakamaikling panahon, at wala silang ginawa kundi humalik sa lupa, magsindi ng insenso, magsunog ng papel na pera at manalangin kay Buddha, at sumamba sa mga idolo. Ang mga Tsino ay walang karapatang pantao at hamak na ipinanganak; mababa ang kanilang karakter, at sila ay masasama at maluluho, manhid at mabagal makaintindi, bulgar at paurong. Puno sila ng disposisyon ni Satanas, ginagawa silang mga modelo ng tiwaling sangkatauhan. Walang kaliwanagan ang pag-iisip ng mga Tsino, habang ang kanilang mga nakaugaliang pamumuhay at panlipunang kapaligiran ay masyadong paurong. Ang Tsina ang may pinakamaraming tao sa anumang nasyon na sumasamba ng mga idolo at gumagamit ng pangkukulam, pati na rin ang pagkakaroon ng pinakamaraming mga templo — ito ay talagang tahanan para sa maruruming espiritu. Alam din ng lahat na ang Tsina ay ang pinakamadilim, pinakaateistang bansa, ang siyang pinakaayaw na tumanggap na may Diyos. Ito ay pugad ng malaking pulang dragon, puno ng dumanak na dugo ng mga banal. Libu-libong mga misyonero sa kanluran ang pinatay sa Tsina noong panahon ng Dinastiyang Qing. Hindi mabilang na mga misyonero ang nagdusa rin ng lahat ng uri ng kahihiyan at sakit sa modernong Tsina, pinalayas sa bansa at pinasara ang kanilang mga iglesia, giniba o sinunog. Lalo na noong mga dekada ng pamumuno ng malademonyong, ateistang Partido Komunista, hindi mabilang na mga Cristiano ang ikinulong at pinatay ng gobyernong Komunista, nagdulot ng pagkakahiwa-hiwalay at pagkakasira ng libu-libong pamilya. At habang ang gobyerno ay puspusang isinusulong ang ateismo, ito rin ay nagpapahintulot sa tinatawag na kalayaan sa relihiyon sa panlabas, ngunit malupit na inuusig ang mga Cristiano nang palihim, pinaplanong palayasin at puksain ang lahat ng mga mananampalataya ng Diyos. Noon, hindi mabilang na mga Cristiano ang pinatay sa Tsina dahil sa pagpapakalat ng ebanghelyo. Ngayon, marami pa ring mga kapatid na nahulog sa mga kuko ng gobyernong CCP at kasalukuyang nagdudusa mula sa walang habag at hindi makataong paninira. Ang malaking bilang ng mga katotohanang ito ay sapat na para patunayan na ang Tsina ay ang pinakamasama, pinakatiwali at pinakatumututol sa Diyos na nasyon sa buong mundo. Samakatuwid, labis na makabuluhan para sa Diyos na gampanan ang Kanyang paglupig at paghatol na gawain sa Tsina. Ang pagganap ng Kanyang gawain sa paghatol sa Tsina ay maaaring makapagpalabas nang todo sa pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos at maaaring pinakamagdulot ng pagkabigo at lubusang mapahiya si Satanas. Ang mga patotoong nakuha ng Diyos sa paggawa sa Tsina ay ang pinakamatunog, at ang kaluwalhatiang nakuha ng Diyos sa paggawa sa Tsina ay ang pinakamalaki rin. Kung yaong mga pinakamalalim na natiwali ni Satanas ay nalupig ng Diyos, ibig sabihin nito na ang mga tao sa mga lugar sa kabilang dako ng buong sansinuklob na siyang hindi masyadong natiwali ay malulupig din. Samakatuwid, pinili ng Diyos ang Tsina batay sa mga pangangailangan ng Kanyang panlulupig na gawain. Ang pagkakapili ng Diyos sa Tsina bilang unang hintuan ng Kanyang panlulupig na gawain sa mga huling araw ay huwaran at pinakamakabuluhan din. Kung ang panlulupig na gawain sa Tsina ay magtatagumpay, ibig sabihin ang panlulupig na gawain ng Diyos sa buong sansinuklob ay nagtagumpay din.
Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa oras na yaong mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba’t ibang lugar. Sa gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng makabuluhang sagisag. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng mga puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng nasa laman, kay Satanas, at ang mga mula sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang siyang mga pinaka-lubos na ginawang tiwali ng malaking pulang dragon, siyang mga may masidhing pagsalungat sa Diyos, ang kanilang mga pagkatao ay masama at marumi, at kaya sila ang mga orihinal na modelo ng lahat ng ginawang tiwaling sangkatauhan. … Sa mga tao sa Tsina naipakikita nang pinakabuong-buo at nabubunyag sa iba’t ibang mga anyo nito ang katiwalian, karumihan, di-pagkamatuwid, pagtutol, at ang paghihimagsik. Sa isang banda, sila ay mula sa mahinang uri, at sa kabila, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan — ang lahat ay kaawa-awa at paurong. Ang kanilang mga estado, ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay makahulugan, at matapos maisagawa ang gawaing pagsusulit sa kabuuan nito, ang Kanyang mga susunod na gawain ay magiging higit na mabuti. Kapag naisakatuparan ang yugto ng gawain na ito, gayon ang mga susunod na gawain ay matitiyak. Sa oras na matapos ang yugto ng gawain na ito, at makakamit nang lubusan ang dakilang tagumpay, at ang gawain ng panlulupig sa lahat ng dako ng buong sansinukob ay dadating sa isang ganap na katapusan. Sa katotohanan, kapag nagtagumpay ang mga gawain sa inyo, ito ay magiging katumbas ng tagumpay sa lahat ng dako ng buong sansinukob. Ito ang kahalagahan ng kung bakit ninanais Kong gawin kayong huwaran at uliran. Ang pagiging suwail, pagsalungat, karumihan, at kawalan ng katarungan — ang lahat ay matatagpuan sa mga taong ito, at sa kanila ay kumakatawan ang pagiging suwail ng sangkatauhan — sila ay tunay ngang mahalaga. Kaya’t sila ay itinuring na halimbawa ng panlulupig, at sa oras na sila ay malupig sila ay natural na magiging mga huwaran at uliran para sa iba” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ipinauunawa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ang gawain ng panlulupig na ginagawa ng Diyos sa Tsina ay unang proyekto. Kapag ang unang gawain ay comprensibong natapos, mas magiging madali ang Kanyang gawain sa hinaharap. Kung magtatagumpay ang gawain ng Diyos sa Tsina, ibig sabihin ang gawain ng Diyos sa buong sansinuklob ay nagtagumpay din. Sa pamamagitan nito, makikita natin na ang desisyon ng Diyos upang gampanan ang Kanyang panlulupig at paghatol na gawain sa Tsina ay napakamakabuluhan.
Kung gusto nating hanapin ang tunay na pagpapakita ng Diyos, kailangan natin iisantabi ang ating mga paniwala. Hindi natin maaaring limitahan ang mga yapak ng Diyos sa isang limitadong saklaw, nag-iisip na imposibleng gumawa ang Diyos sa ganitong bansa o sa naturang lahi ng mga tao. Kailangan nating iisantabi ang makikitid na pambansang konsepto at ang ating mga “imposibleng” argumento, dahil ang Diyos ay Diyos ng lahat ng nilikha at Diyos ng buong sangkatauhan. Ang pagpili ng Diyos sa lokasyon para sa Kanyang gawain ng mga huling araw ay may kabuluhan, at saka ang Kanyang mabuting mga intensyon ay nakapaloob dito. Bilang mga nilikha, kinakailangan nating maging makatwiran at sumusunod sa gawain ng Diyos, at hindi dapat isinisingit ang ating sariling mga konsepsyon at pananaw sa gawain ng Diyos para sa pagsangguni ng Diyos. Ito ay isang bagay na talagang hindi kukunsintihin ng Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kahit na ikaw ay isang Amerikano, Ingles, o kahit na ano pang lahi, nararapat kang humakbang lampas sa iyong mga hangganan, higitan ang iyong sarili, at dapat tingnan ang gawain ng Diyos bilang nilikha ng Diyos. Sa ganitong paraan, hindi mo dapat pigilan ang mga yapak ng Diyos. Dahil, ngayon, maraming mga tao ay naniniwalang imposibleng magpakita ang Diyos sa natatanging bayan o bansa. Tunay na taos ang kabuluhanng gawain ng Diyos, at tunay na mahalaga ang pagpapakita ng Diyos! Paano masusukat ang mga ito batay sa pagkaintindi at pag-iisip ng tao? At gayon sinasabi ko, ikaw ay dapat kumawala sa pagkaintindi batay sa iyong kabansaan o etnisidad kapag hinanap mo ang pagpapakita ng Diyos. Sa ganitong paraan, ikaw ay hindi nakakulong sa sarili mong pagkaintindi; sa ganitong paraan, ikaw ay magiging karapat-dapat salubungin ang pagpapakita ng Diyos. Kung hindi, ikaw ay laging mananatili sa kadiliman, at hindi kailanman makakamtan ang pagsang-ayon ng Diyos.
Ang Diyos ay Diyos ng lahat ng sangkatauhan. Hindi niya ginagawa ang Sarili bilang pribadong pag-aari ng anumang bayan o bansa, at ginagawa ang Kanyang plano na hindi napipigil ng anumang anyo, bayan, o bansa. Marahil hindi mo kailanman naisip itong anyo, o marahil tinatanggihan mo ang pag-iral nito, o marahil ang bayan o bansa kung saan nagpakita ang Diyos ay iniiwasan at ang pinaka-di-maunlad na bansa sa mundo. Ngunit ang Diyos ay may Kanyang karunungan. Sa Kanyang kapangyarihan at sa pamamagitan ng Kanyang katotohanan at disposisyon, Siya ay tunay na nakatamo ng isang pangkat ng mga tao na kaisang-isip kasama Niya. At Siya ay nakatamo ng isang pangkat ng mga tao na nais Niyang gawin: isang pangkat na nilupig Niya, silang nagtitiis ng mga matinding pagsubok at lahat ng uri ng pag-uusig at kaya Siyang sundin hanggang sa katapusan. Ang layunin ng pagpapakita ng Diyos na malaya sa pamimigil ng kahit na anong uri o bansa ay upang matapos Niya ang gawaing alinsunod sa Kanyang plano. Halimbawa, nang ang Diyos ay nagkatawang-tao sa Judea, ang Kanyang pakay ay tapusin ang gawain ng pagpapako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan. Ngunit ang mga Judio ay naniniwala na imposibleng magawa ito ng Diyos, at inisip nila na imposibleng maging tao ang Diyos sa anyo ng Panginoong Jesus. Ang “imposible” ang naging batayan ng kanilang paghatol at pagkontra sa Diyos, at sa huli, humantong sa kapahamakan ng Israel. Ngayon, maraming mga tao ang nakagawa ng parehong pagkakamali. Walang bahala nilang hinahayag ang nalalapit na pagpapakita ng Diyos, ngunit sila rin ang humahatol sa Kanyang pagpapakita; ang kanilang “imposible” ang muling nagkukulong ng pagpapakita ng Diyos batay sa kanilang imahinasyon. … Isantabi mo ang iyong mga pagkaintindi! Huminto at dahan-dahang basahin ang mga salitang ito. … Isantabi ang inyong pananaw na “imposible”! Habang lalong naniniwala ang mga tao na ang isang bagay ay imposible, mas lalong maaari itong mangyari, sapagkat ang katalinuhan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang naiisip ng Diyos ay mas higit pa sa mga naiisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay lampas pa sa kakayanan ng pagiisip at pagkaintindi ng tao. Kapag ang isang bagay ay imposible, lalong higit na dapat hanapin ang katotohanan; kapag ang isang bagay ay lampas sa pagkaintindi at imahinasyon ng tao, lalong higit na ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos. Dahil kahit saan pa ipakita ng Diyos ang Sarili Niya, ang Diyos ay nananatiling Diyos, at ang Kanyang sangkap ay hindi magbabago dahil lamang sa lugar o paraan ng Kanyang pagpapakita. Ang disposisyon ng Diyos ay nananatili kahit saan pa man mapunta ang Kanyang mga yapak. Kahit saan pa man ang mga yapak ng Diyos, Siya ang Diyos ng buong sangkatauhan. Halimbawa, ang Panginoong Jesus ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, kundi Diyos din ng lahat ng mga tao sa Asya, Europa, at Amerika, at lalo na ang tanging Diyos ng buong sansinukuban. Kaya hanapin natin ang kalooban ng Diyos at nang matuklasan ang Kanyang pagpapakita mula sa Kanyang mga pagbigkas, at sundan ang Kanyang mga yapak! Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang mga salita at Kanyang pagpapakita ay sabay na umiiral, at ang Kanyang disposisyon at mga yapak ay laging malalapitan ng sangkatauhan. Mga mahal na kapatid, umaasa akong makita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at umpisahang sundan ang Kanyang mga yapak tungo sa bagong kapanahunan, at tungo sa isang magandang bagong langit at bagong lupa na inihanda para sa mga naghihintay sa pagpapakita ng Diyos” (“Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Dapat nating iisantabi ang ating mga sariling imahinasyon at konsepsyon upang hanapin ang tunay na pagpapakita ng Diyos at salubungin ang Kanyang pagdating! Kung hindi, lagi tayong nasa kadiliman at hindi kailanman makukuha ang pagsang-ayon ng Diyos. Mga kapatid, kailangan nating makita na saan man gumawa ang Diyos, ang Diyos ay Diyos pa rin. Hindi natin maaaring itanggi ang diwa ng Diyos o ang Kanyang pagdating dahil lamang nagbabago ang lokasyon o pamamaraan ng Kanyang gawain. Dapat nating hanapin ang mga intensyon ng Diyos mula sa Kanyang mga sinasabi upang matuklasan ang pagpapakita ng Diyos at sundin ang Kanyang mga yapak!
Maaaring sabihin ng isang tao: “Kung gayon ay bakit nagpapakita ang Diyos sa harapan ninyo? Bakit hindi Siya magpakita sa aming harapan? Bakit nagpapakita ang Diyos sa China, bakit hindi nagpapakita sa ilang bansa sa Kanluran?” Ano ang mali sa mga saloobin ng mga tao na kagaya nito? Kailangan bang hingin ng Diyos ang mga opinyon ng tao kaugnay ng kung saan Siya magpapakita at isasagawa ang gawain? Kailangan ba Niyang hingin ang mga opinyon ng mga hinirang ng Diyos mula sa lahat ng bansa, “Tayong lahat ay bumoto, at kung alinmang lugar ang may pinakamaraming boto, magpapakita Ako roon upang isagawa ang Aking gawain”? Hindi, hindi Niya ginagawa. Bakit hindi Niya ginagawa? Kung gagawin Niya, hindi ba’t magiging dakila ito? Hayaang marinig din ng Diyos ang tinig ng mga tao, at magkaroon ng demokratikong eleksiyon. Nararapat ba ito? Bakit hindi ito nararapat? Kung ang tao ay dapat magkaroon ng gayong mga hinihingi, ano-anong pagkakamali ang nagawa ng tao? Ang tao ay sobrang hindi makatwiran, ang tao ay sobrang mapagmataas! Nais mo bang maging taga-estratehiya ng Diyos? Ang ibig mong sabihin ay dapat munang konsultahin ng Diyos ang iyong mga opinyon kaugnay ng gawain ng Diyos at kung saan dapat magpakita ang Diyos. Ang tao, ang nilikha, sinasabi ang gayong mga bagay, anong disposisyon ito? Hindi ba’t ito ay pagmamataas? Ako ba ang sumusumpa sa mga taong ito? Hindi maaaring sabihin ng tao ang mga bagay na sobrang mapagmataas, dahil ito ay hindi makatwiran, at hindi siya pagpapalain ng Diyos! Bakit pinagpala ng Diyos si Abraham? Sinabi niya: “O Diyos, ako ay walang anuman kundi alabok!” Ibig sabihin nito: “Ako ay walang anuman. Ako ay isang tao, subalit sa harap ng Diyos, ako ay walang anuman kundi alabok.” Nagpakumbaba siya. Alam niya kung ano ang katayuan ng tao sa harap ng Diyos, alam niya kung ano ang tao, kaya sinabi niya ang ganoong bagay sa harap ng Diyos, na nagpakita na si Abraham ay isang taong gumagalang sa Diyos. Sa mga mata ni Abraham, ang Diyos ang pinakadakila, ang Diyos ay marangal, habang tayong mga tao ay pawang alabok lamang sa harap ng Diyos. Ni hindi tayo maaaring ihambing sa mga langgam. Wala tayong karapatan na maglagay ng anumang mga kondisyon sa Diyos, na magkaroon ng anumang mga marangyang hinihingi, o magkaroon ng anumang labis na pagnanais sa Diyos. Samakatuwid, nagpakita ang Diyos kay Abraham, may mga hiningi sa kanya ang Diyos, at gumawa ang Diyos sa kanya. Sa katunayan, nabuhay si Abraham ayon sa mga inaasahan ng Diyos at sa kalooban ng Diyos. Ano man ang mga hingin sa kanya ng Diyos, tumalima siya, dahil doon tumanggap siya sa huli ng mga pagpapala mula sa Lumikha. Ano tayo sa harap ng Diyos? Paano tayo ihahambing kay Abraham? May lakas-loob ba tayong ihambing ang mga sarili natin kay Abraham? Bakit wala tayong lakas ng loob? Pinasama ni Satanas ang kabuuan ng sangkatauhan. Dapat ay isa rin si Abraham sa kanila, subalit wala tayong nakitang maraming katiwalian sa mga panalangin ni Abraham at sa mga paraan na hinarap niya ang mga bagay-bagay. Tingnan ang mga bagay na sinabi niya, ang mga bagay na ginawa niya. Napakarami niyang dahilan, napakaraming pagkatao. Hindi tayo maihahambing sa kanya! Si Abraham, kung ihahambing ako sa kanya, magiging sobra akong nahuhuli, hindi nga ako maihahambing sa kanya. Hindi ako makapaghahambing. Hindi rin tayo maihahambing kay Job. Ako ay isang tao ng mga huling araw, pinasama nang napakalalim ni Satanas — walang pag-aalinlangan tungkol dito. Samakatuwid, sa harap ng Diyos, tayong mga tao ay dapat may taglay na kinakailangang katwiran. Kaugnay ng pagpapakita ng Diyos at gawain ng Diyos, dapat lang tayong tumalima, dapat lang tayong maghanap; wala dapat tayong marangyang paghahangad o anumang hindi makatwirang mga inaasahan.
mula sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay
“Sa lahat ng mga pangyayari at mga bagay-bagay, ang matuwid na disposisyon ng Diyos, iyon ay ang, galit ng Diyos at awa ng Diyos, ay maaaring maihayag anumang oras o saan mang lugar” Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi lamang ipinahayag sa sangkatauhan, ito rin ay ibinunyag sa lahat ng paksa at lahat ng bagay. Ito ay ipinahayag sa lahat ng oras at sa lahat ng lugar sa Kanyang pakikitungo sa iba’t ibang etniko at mga lahi ng tao, hindi lamang sa pakikitungo sa mga piniling tao ng Diyos. Ang mga Gentil ay kasama rin, pati na rin ang mga hayop at tao sa bawat planeta sa buong kalawakan. Maaaring makita ng lahat ang disposisyon ng Diyos, ito ay malinaw at totoo. Marahil may ilang taong partikular na makikitid ang utak na laging iniisip na: “Isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain dito sa kung saan tayo naroroon, Siya ang ating Diyos, wala Siyang pakialam tungkol sa mga Gentil, hindi Niya pinamunuan ang ibang mga bansa at ibang mga etniko, hindi Niya sila ginagabayan.” May kabuluhan ba ang mga salitang ito? (Wala kabuluhan ang mga ito.) Sa tuwing may mga taong nakakakita ng taong mula sa ibang bansa na sumasaksi sa Diyos, nagkakaroon sila ng paniwala na “Siya ang ating Diyos, paano kayo nakakasaksi sa Kanya? Walang pakialam ang Diyos sa inyo!” Ang ganitong uri ng pag-iisip ay sa hindi naliwanagan “mga babaeng nakatali ang mga paa.” Hindi ba’t ganito rin mag-isip ang mga sinaunang Israelita? “Ang Diyos na si Jehova ang ating Diyos, ang Diyos ng mga Israelita, wala kayong karapatang magdasal sa Kanyang pangalan, hindi ninyo Siya Diyos.” Totoo ba ang pahayag na ito? (Hindi ito totoo.) Kinokontra ng Diyos ang kanilang mga paniwala, “Hindi Ko lamang isinasagawa ang mga gawain Ko sa inyo, bumabaling din Ako sa mga Gentil, dahil ako ang Diyos ng buong sangkatauhan, ako ang Diyos ng buong kalawakan, paanong kayo lang ang ginagabayan ko?” Kaya, nagpakita ang Diyos sa China sa mga huling araw. Isipin ninyo ang tungkol dito, bumaba mula sa langit ang Espiritu ng Diyos at naging tao sa China, na sinasabi ng ilang tao na: “Mahirap na bansa ang China, paano magpapakita ang totoong Diyos doon? Kami ay mayamang bansa, nararapat nana dito sa amin magpapakita ang totoong Diyos. Dahil sa China bumababa ang Diyos at naniniwala ang mga Tsino sa Diyos na iyon, kami bilang mga banyaga ay hindi maniniwala sa Kanya.” Isa ba itong wastong pahayag na dapat gawin? (Hindi ito wasto.) Anong problema ang ipinapakita nito? Ang kakitiran ng utak, pagtatangi, at kahangalan ng tao ay hindi sumusunod sa katotohanan kahit na kaunti. Nakikita ng ibang tao ang mga Tsino na sumasaksi sa pagpapakita ng tunay na Diyos at iniisip nila, “Kung ang mga Amerikano ang sumasaksi sa pagpapakita ng tunay na Diyos, sa gayon ay paniniwalaan ko iyon; kung ang mga Israelita ang sumasaksi sa pagpapakita ng tunay na Diyos, muli, paniniwalaan ko ito, ngunit, kung ang mga Tsino ang sumasaksi sa pagpapakita ng tunay na Diyos, hindi ko iyon paniniwalaan. Imposible iyon.” Isa itong kamalian. Sa palagay mo ba na ang bansa kung saan nagpapakita ang Diyos ay batay sa iyong kalooban? Ikaw ba ang namamahala? Nais mo bang magkaroon ng kontrol sa Diyos? Sino ka sa iyong palagay?
mula sa “Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Salita ng Diyos na ‘Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (XII)
Bible Study Tagalog: we can learn more mysteries of the Lord’s return, for instance, in which way the Lord will come and how we can welcome the Lord so that we can meet the Lord soon.