Paano Malulutas ang Pagkamakasarili
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ano ang pamantayan kung paano sinusuri ang mga gawa ng isang tao bilang mabuti o masama? Depende ito sa kung taglay mo o hindi, sa iyong mga iniisip, pagpapahayag, at kilos, ang patotoo tungkol sa pagsasagawa ng katotohanan at pagsasabuhay ng realidad ng katotohanan. Kung wala ka ng realidad na ito o hindi mo ito isinasabuhay, walang duda na ikaw ay isang masamang tao. Ano ang tingin ng Diyos sa masasamang tao? Ang mga iniisip at ipinapakita mong mga kilos ay hindi sumasaksi sa Diyos, ni pinapahiya o tinatalo ng mga ito si Satanas; sa halip, pinapahiya ng mga ito ang Diyos, at puno ng mga markang nagpapahiya sa Diyos. Hindi ka sumasaksi sa Diyos, hindi mo ginugugol ang sarili mo para sa Diyos, o ginagampanan ang responsibilidad mo sa Diyos. Kumikilos ka para sa sarili mong kapakanan. Ano ang ipinahihiwatig ng ‘para sa iyong sariling kapakanan’? Para kay Satanas. Samakatuwid, sa bandang huli, sasabihin ng Diyos, ‘Magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.’ Sa mga mata ng Diyos, hindi ka nakagawa ng mabubuting gawa; sa halip, naging masama ang iyong asal. Hindi ka gagantimpalaan; hindi ka aalalahanin ng Diyos. Hindi ba ito ganap na walang kabuluhan?” (Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Nakikita ko mula sa mga salita ng Diyos na maaaring ginugugol natin ang ating sarili at bahagyang nahihirapan sa ating tungkulin, ngunit kung ang motibo natin dito ay hindi para bigyang-lugod ang Diyos at wala tayong anumang patotoo na isinasagawa ang katotohanan, kundi ang bigyang-kasiyahan lang ang ating sarili, itinuturing ito ng Diyos na paggawa ng kasamaan. Kasuklam-suklam ito sa Kanya. Dalawang taon na ang nakakaraan, napansin ko na may isang kapatid na nakakagambala sa gawain ng iglesia, pero wala akong lakas ng loob na isagawa ang katotohanan o panindigan ang mga prinsipyo. Takot ako na masaktan ang damdamin niya. Hindi ko inilantad at inireport noon ang mga inaasal niya at naapektuhan ang gawain ng ebanghelyo dahil dito. May pagkakamali rin ako. Palagi kong sinisisi ang sarili ko sa tuwing naiisip ko ang tungkol dito.
Halos katapusan na iyon ng Marso 2018 nang sumama si Sister Chen sa team namin bilang lider ng team. Di nagtagal, natuklasan ko na hindi niya ginagampanang mabuti ang tungkulin niya. Minsan may tinuruan kami na gustong magsiyasat sa gawain ng Diyos ng mga huling araw pero hindi niya agad inasikaso ang pagbabahagi at patotoo. Dahil dito, naantala ang gawain ng ebanghelyo. Hinanap ko siya para makausap pero hindi ko halos binanggit ang mga problema tungkol sa kanya, sa takot na masamain niya. Ipinaliwanag niya na may isa pa siyang tungkulin at hindi niya kayang pagsabay-sabayin lahat, pero aayusin niya raw sa susunod. Nakita ko agad na hindi niya ito sineseryoso. Hindi niya nakita ang bigat ng problema. Inisip ko na dapat may sabihin pa ako para hindi na ito mangyari ulit at maantala ang gawain ng simbahan. Pero nang magsasalita na sana ako, naisip ko, “Siya ang namumuno, miyembro lang ako ng team. Kung sasabihin ko ang problema tungkol sa kanya hindi ba niya iisipin na wala ako sa lugar, pakialamera, at mayabang at wala sa katwiran? Di bale na lang. Hindi na ako magsasalita. Siya ang namumuno, kaya dapat alam niya kung gaano kaimportante ang tungkuling ito. Aasikasuhin na niya ang mga bagay-bagay sa susunod.” Medyo hindi ako mapalagay, pero hindi ko na ito ulit binanggit sa kanya.
Di nagtagal isang mangangaral mula sa Sola Fide Church ang gustong magsiyasat sa gawain ng Diyos ng mga huling araw Gipit na talaga sa oras, pero sa kritikal na sandaling ito, hindi ko makontak si Sister Chen. Nag-aapura akong humanap ng ibang gospel team leader para magbahagi. Nang malaman ito ni Sister Chen, pinagalitan niya ako at sinabing, “Bakit kumuha ka ng ibang team leader para gumawa niyon? Problema ko na iyon na hindi ko ito nagawa sa oras at responsibilidad ko anuman ang mangyari. Ang magdala ka rito ng ibang tao ay hindi nakaayon sa mga prinsipyo.” Gusto ko siyang kausapin tungkol sa isyu na ito pero nagbago ang isip ko, iniisip na “Kung pupunahin ko siya kaagad pagkatapos niya akong pagalitan, ano’ng iisipin niya sa akin? Madalas kaming nagkikita — kung hindi kami magkakasundo malamang pag-initan at pahirapan niya ako. Huwag na lang. Mas mabuti na ’yung walang inaalala. Gagawin ko na lang nang mabuti ang tungkulin ko.” Kaya, hindi ko na sinabi ang gusto kong sabihin sa kanya.
Mga isang buwan kalaunan, isang kapwa ko manggagawa sa simbahang Kristiyano ang naging interesado sa gawain ng Makapangyarihang Diyos. Ipinaalala ko kay Sister Chen ang tungkol dito nang ilang beses. “Dapat may italaga ka na magbibigay sa kanya ng pagbabahagi.” Pumayag siya noon, pero laking gulat ko dahil dalawang araw na ang lumipas na wala pa siyang naihahanda. Galit na galit ako. Naisip ko, “Sinabihan na kita nang ilang beses na apurahin ito Bakit hindi mo naman sineryoso ito kahit kaunti? Teka, hindi ko na hahayaang tingnan lang na naaantala nang ganito ang gawain ng ebanghelyo. Dapat kong talakayin ito sa mga kapatid sa team namin at tingnan kung ano ang magagawa ko sa problema tungkol sa kanya.” Pero nag-alangan na naman ako nang kakausapin ko na sana ang iba. Kung malaman ni Sister Chen na tatalakayin ko ito sa iba, baka isipin niya na sinasadya kong puntiryahin siya. Kapag nasaktan ko ang damdamin niya baka gumanti siya at maghanap ng dahilan na tanggalin ako sa tungkulin ko. Naisip ko na kapag naiiba ka tiyak pagbubuntunan ka. Ipinasiya kong maghintay hanggang sa may ibang magbabanggit nito.
Nang gabing iyon, habang iniisip ko kung ilang bagay na ang pinabayaan ni Sister Chen, Nagsimula na akong mabalisa, pero ayoko pa ring magsalita. hindi ko pa naman talagang nagagawa ang mga responsibilidad ko. Dahil hindi ako mapalagay, nagdasal ako sa Diyos. Binasa ko ang mga salitang ito mula sa Diyos matapos magdasal: “Ang pinakapangunahin at pinakamahalagang mga bahagi ng pagkatao ng sinuman ay ang konsiyensya at katwiran. Anong klaseng tao ang isang taong walang konsiyensya at walang katwiran ng normal na pagkatao? Sa pangkalahatan, siya ay isang taong walang pagkatao, isang taong masama ang pagkatao. Suriin natin itong mabuti. Paano nagpapakita ng tiwaling pagkatao ang taong ito para sabihin ng mga tao na wala siyang pagkatao? Anong mga katangian ang taglay ng gayong mga tao? Anong partikular na mga paghahayag ang ipinapakita nila? Pabaya sila kumilos, lumalayo sa mga bagay na walang personal na kinalaman sa kanila. Hindi nila isinasaalang-alang ang mga interes ng bahay ng Diyos o kalooban ng Diyos. Kulang ang pasanin nila para magpatotoo sa Diyos o gawin ang tungkulin nila; kulang sila sa pagiging responsable. … May iba pa ngang nananahimik matapos makakita ng problema sa kanilang tungkulin. Nakikita nila ang pang-aantala ng iba, ngunit walang ginagawa para pigilan iyon. Hindi nila isinasaalang-alang kahit man lamang ang mga kapakanan ng tahanan ng Diyos, ni iniisip man lamang ang kanilang sariling mga tungkulin o pananagutan. Sila ay nagsasalita, kumikilos, namumukod-tangi, nagpupunyagi, at gumugugol ng lakas para lamang sa kanilang sariling kalayawan, karangalan, katungkulan, mga kapakanan, at karangalan. … May konsiyensya at katwiran ba ang ganitong klaseng tao? Nakadarama ba ng pagsisisi sa sarili ang isang taong walang konsiyensya at katwiran na ganitong kumilos? Walang silbi ang konsiyensya ng ganitong klaseng tao, at hindi sila kailanman nakadama ng pagsisisi sa sarili. Kaya, mararamdaman ba nila ang paninisi o disiplina ng Banal na Espiritu?” (Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Talagang tinamaan ako ng mga salita ng Diyos. Hindi ba’t ako ang mismong klase ng taong inilalantad ng Diyos? Wala akong konsensiya, pagkatao, at iresponsable sa tungkulin ko. Nagpakita ako ng pagwawalang-bahala para proteksyunan ang sarili kong mga interes. Hindi ko isinaalang-alang ang kalooban ng Diyos o sinusuportahan ang gawain ng iglesia. Alam na alam ko na hindi seryoso si Sister Chen sa tungkulin niya at pabaya, at naantala na niya ang ating gawain sa ebanghelyo. Dapat pala ay nabanggit ko na ito sa pagbabahagi. Pero nag-alala kasi ako na sabihan niya ako na huwag makialam, kaya hindi ko na lang binanggit. Hindi siya nabago kahit kaunti matapos iyon. Gusto kong banggitin ulit ito, pakasuriin ang sanhi at epekto ng klase ng pagtupad niya ng tungkulin, pero takot ako na maipahiya ko siya, baka pag-initan at pahirapan niya ako at tanggalin sa tungkulin. Nagbulag-bulagan na lang ako at pinalampas iyon. Hindi ko man lang tinangkang manindigan para sa kapakanan ng bahay ng Diyos para maprotektahan ang sarili kong kahihiyan, katayuan, at mga interes, habang pinapanood ko ang isang lider na nagpapabaya sa kanyang tungkulin. Nasaan na ang konsensiya ko? Palala na nang palala ang mga sakuna, kaya tiyak mas maraming tao ang nagsisiyasat sa tunay na daan. Ang paghikayat sa mga tao na tanggapin ang pagliligtas ng Diyos ng mga huling araw ay napakahalagang iprayoridad. Pero ayokong akuin ang responsibilidad na ito. Ang gusto ko lang ay protektahan ang sarili ko, hindi ang mga kapakanan ng bahay ng Diyos. Hindi iyan pagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos. Sobra akong makasarili. Talagang pakiramdam ko binigo ko ang Diyos nang naisip ko ito. Naisip ko, “Hindi ako dapat patuloy na magkaganito. Dapat humanap ako ng paraang lutasin ang problemang ito.” Humingi ako ng tulong sa mga kapatid para talakayin ito at tingnan kung paano namin makakausap si Sister Chen sa isyu na ito. Nagkaisa ang lahat na dapat may isang tao na makakatulong sa kanya sa responsibilidad. Sa ganyang paraan matutulungan nila ang isa’t isa at mababantayan ang isa’t isa.
Nang hapon din iyon, tinawagan ko si Sister Chen at sinabi sa kanya ang pinag-usapan namin, at idinetalye ang tungkol sa pagtupad niya sa tungkulin nitong mga huling araw at ang pinsalang nagawa niya sa gawain ng ebanghelyo. Pero nagulat ako, dahil wala ni katiting na pagsisisi si Sister Chen sa mga inaasal niya, at kaagad na tinutulan ang plano namin. Nagmatigas niyang sinabi na hindi niya kailangan ng makakatulong. Dahil nakita ko na parang wala siya sa sarili, patuloy ko siyang kinausap, pero hindi pa man ako natatapos, sinabi niyang may gagawin siya at ibinaba ang telepono. Inisip ko, “May katayuan si Sister Chen pero hindi siya gumagawa ng praktikal na gawain at ayaw ng katuwang. Hind ba’t pagiging dominante ’yan? Kung magpapatuloy ’yan, mahahadlangan ang gawain ng bahay ng Diyos. Dapat kong ipaliwanag sa kanya ang problemang ito.” Sa sumunod na ilang araw, patuloy ko siyang pinadalhan ng mga mensahe, pero ’di siya sumagot. Pinapanood ko lang na nahahadlangan ang gawain ng Diyos. Iniisip ko noon na dapat ireport ko na ito sa lider ng iglesia bago mahuli ang lahat, pero nang gagawin ko na ito, gusto ko na namang umatras. Naisip ko, “Kung malaman ni Sister Chen na ako ang kumausap sa lider, Ano’ng mangyayari? Ano ang gagawin ko kapag nasaktan ang damdamin niya at magkaroon siya ng dahilan na tanggalin ako sa tungkulin ko? At paano kung sabihin ng mga kapatid na pulos isyu na lang kay Sister Chen ang pinapansin ko. at hindi patas ang trato ko sa kanya?” Naguluhan ako. Kung hindi ako magsasalita, papanoorin ko na lang ang di-pag-usad ng gawain ng team. Pero kung may sasabihin naman ako baka masaktan ang damdamin niya. Nang sandaling iyon, isang kapatid ang nagtanong sa akin kung interesado akong sumali sa ibang team. Naisip ko, “Masaya na may panibagong gawin na tungkulin, para maiwan ko na ang team ko. Hindi na ako makokonsensiya at maghihirap araw-araw.” Sinabi ko ang naiisip ko sa isa pang sister sa team kalaunan. Pinakinggan niya ako at pagkatapos ay sinabi, “Ikaw ang pinakasenior na miyembro ng team natin at pinakapamilyar sa gawain. Nagbubulag-bulagan si Sister Chen sa mga isyu ng team natin Sa palagay mo ba tamang panahon ito na umalis ka?” Nakonsensya ako nang sabihin niya ito. Natanto ko na mas alam ko ang gawain ng team kaysa sa iba, at tatamad-tamad ko lang pinapanood na nagagambala ang gawain ng bahay ng Diyos. Hindi lang ako nagbulag-bulagan kundi naduwag pa. Hindi ’yan pagprotekta sa mga kapakanan ng bahay ng Diyos. Nagdasal ako sa Diyos, hiniling sa Kanya na gabayan ako.
Nagbasa ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos sa aking mga debosyonal matapos ’yan. Sabi ng Diyos, “Kailangan mong pumasok mula sa panig ng pagiging positibo, maging aktibo at huwag kang balintiyak. Hindi ka dapat matinag ng sinuman o anuman, at hindi ka dapat madala ng mga salita ng sinuman. Kailangan matatag ang disposisyon mo. Kailangan agad mong isagawa ang katotohanang alam mo, anuman ang sabihin ng mga tao. Palagi mong isapuso ang mga salita Ko, sinuman ang makaharap mo. Manindigan ka sa pagpapatotoo sa Akin at isaalang-alang mo ang mga pasanin Ko. Hindi ka dapat sumang-ayon na parang bulag sa iba; sa halip, dapat may lakas ka ng loob na manindigan laban sa mga bagay na hindi mula sa Akin. Kung sigurado kang may mali, ngunit nanatili kang tahimik, hindi mo isinasagawa ang katotohanan. Kung alam mong may mali, pero iniiba mo ang usapan at hinaharangan ka ni Satanas, na nagiging dahilan para magsalita ka nang walang anumang epekto at hindi mo magawang magtiyaga hanggang katapusan, ibig sabihin may takot pa rin sa puso mo. Hindi ba iyon pagiging puno ng mga ideya ni Satanas?” “Lahat kayo’y nagsasabi na isasaalang-alang ninyo ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia, ngunit sino ba talaga ang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos? Itanong mo sa iyong sarili: Ikaw ba’y isa tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? Makakapagsagawa ka ba ng katuwiran para sa Kanya? Makakapanindigan ka ba at makakapagsalita para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? Ikaw ba’y may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapapahintulutan mo ba ang Aking mga layunin na matupad sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso sa pinakamahalagang sandali? Ikaw ba’y taong gumaganap sa Aking kalooban? Itanong mo sa iyong sarili ang mga katanungang ito at madalas mo silang isipin” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nang isa-isa kong binabasa ang mga tanong, pakiramdam ko ay nakatayo sa harapan ko ang Diyos, pinagpapaliwanag ako. Bawat salita’y tumatagos. Tinatanong ko rin ang sarili ko, “Isinaalang-alang ko ba ang pasanin ng Diyos? Nagsagawa ba ako ng kabutihan para sa Diyos? Matatag ko bang isinagawa ang katotohanan?” Ang lahat ng sagot ay “Hindi.” Itinaas ang posisyon ko para gawin ang isang mahalagang tungkulin sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, kaya dapat akuin ko ang resposibilidad at makipagtulungan sa mga kapatid para magawa ito nang mabuti. Nakita kong nagpapabaya ang team leader, inaantala nang paulit-ulit ang gawain ng ebanghelyo. Isa siyang huwad na lider na hindi gumagawa ng praktikal na gawain. Dapat nanindigan ako at inireport siya. Pero natakot akong masaktan ko ang damdamin niya at mawalan ako ng tungkulin, kaya ipinagwalang-bahala ko na lang ito at pinanood na lang ang paggambala niya sa gawain ng bahay ng Diyos. HIndi ko pinanindigang protektahan ito. Labis akong makasarili at kamuhi-muhi. Hindi ako makatarungan at responsable! Pinrotektahan ko ang aking kahihiyan at katayuan sa bawat pagkakataon. Kahit hindi ko kailanman ginambala ang gawain ng bahay ng Diyos tulad ni Sister Chen, Nanahimik ako kahit may problema at hindi ko isinagawa ang katotohanan. Hindi ba’t pagpanig iyan kay Satanas, hayaan na lang itong sirain ang gawain ng bahay ng Diyos? Hindi ko ba pinapaboran niyan ang tagalabas, kinakagat ang kamay na nagpakain sa akin upang maging alagad ni Satanas? Nagalit ako sa sarili ko nang naisip ko iyan. Bakit ko nagawang maging makasarili, wala ni bahagyang pagkatao? Alam kong di ako dapat magpatuloy nang ganyan. Hindi dapat ako magsawalang-bahala, para lang protektahan ang sarili ko. Kailangan kong isagawa ang katotohanan, maging makatarungan, manindigan sa panig ng Diyos at protektahan ang mga kapakanan ng Kanyang bahay. Nagpasiya akong ireport si Sister Chen nang sandaling iyon. Pagkaraan niyon, narinig ko mula sa isang sister na ilan sa mga bagong mananampalataya ay nanghina at nag-isip nang negatibo matapos makarinig ng mga sabi-sabi. Hindi nagsaayos si Sister Chen ng magfefellowship sa kanila upang malutas ang kanilang mga problema, kaya halos mawalan na sila ng pananampalataya dahil naligaw sila. Namuhi ako sa sarili ko nang marinig ko ito. Ito ang napakasamang kinahinatnan ng hindi ko pagsasagawa ng katotohanan! Matapos ‘yan ilan sa amin na mga miyembro ng team ang nagsabi ng mga isyu tungkol kay Sister Chen sa lider ng iglesia. Nagulat ako na siniyasat niya ito at inalis si Sister Chen nang araw ding iyon. Pinagalitan ako ng lider kalaunan, at sabi niya, “Ang tagal na niyang naaantala ang mga bagay-bagay, pero hindi mo ito binanggit kahit kailan noon?” Lalo akong nagsisi at nakonsensiya nang marinig ko iyan.
Kalaunan ay nagmuni-muni ako, kung bakit sa kabila ng pagiging iresponsable niya sa kanyang tungkulin at laging nag-aantala sa gawain ng bahay ng Diyos, ay ’di ko pinanindigang ilantad at ireport s’ya. Ano ang pinag-ugatan ng hindi ko pagsasagawa ng katotohanan? Binasa ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Hangga’t hindi nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at natatamo ang katotohanan, ang likas na pagkatao ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa likas na pagkataong iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katungkulan? Bakit napakatindi ng damdamin mo? Bakit gusto mo ang di-matutuwid na bagay? Bakit gusto mo ang mga kasamaang iyon? Ano ang batayan ng pagkagusto mo sa mga bagay na ito? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit masayang-masaya kang tanggapin ang mga ito? Sa ngayon, nauunawaan na ninyong lahat na ang pangunahing dahilan noon ay ang pagkakaroon ng lason ni Satanas. Tungkol naman sa kung ano ang lason ni Satanas, lubos itong maipapahayag sa mga salita. Halimbawa, kung tatanungin mo ang ilang masamang tao kung bakit gayon ang kilos nila, sasagot sila: ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Maaari silang gumawa ng mga bagay-bagay para sa ganito at ganoong layunin, ngunit ginagawa lamang nila iyon para sa kanilang sarili. Iniisip ng lahat ng tao na dahil bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba, dapat silang mabuhay para sa sarili nila, gawin ang lahat para makuha ang posisyon, ang sarili nilang pagkain at kasuotan. ‘Bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’ — ito ang buhay at ang pilosopiya ng tao, at kinakatawan din nito ang likas na pagkatao. Ang pahayag na ito mismo ang lason ni Satanas, at kapag isinabuhay ito ng mga tao, nagiging likas na iyon sa kanila. Ang likas na pagkatao ni Satanas ay inilalantad sa pamamagitan ng mga salitang ito; lubos itong kumakatawan dito. Ang lasong ito ay nagiging buhay ng mga tao at nagiging pundasyon din nila sa buhay, at ang sangkatauhang ginawang tiwali ay patuloy nang pinangingibabawan ng lasong ito sa loob ng libu-libong taon” (Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ipinakita sa akin ng Diyos ang dahilan ng hindi pagsasagawa ng katotohanan ay dahil puno ng mga pilosopiya ni Satanas ang pamumuhay ko, tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” “Ang mga taong makatwiran ay magaling lang sa pagprotekta sa sarili, na ang tanging hangad lang ay umiwas na magkamali,” “Hayaang umagos ang mga bagay kung wala naman itong personal na naaapektuhan,” “Mas kakaunti ang gulo, mas mainam,” at “Kapag naiiba ka tiyak pagbubuntunan ka.” Ang mga ito ay matagal nang naging bahagi ng pagkatao ko. Naging likas na sa akin ito. Naging makasarili, tuso, at sarili ko lang ang iniintindi ko dahil ipinamumuhay ko ang mga bagay na ito. Wala akong ibang ginawa kundi protektahan lang ang sarili kong mga interes sa harap ng problema. Bago ako naging isang mananampalataya, sa aking propesyon at personal na buhay, kapag natatakot ako na makasakit ng damdamin ng iba, kahit may pagkakamali sila, hindi ako iimik. Patuloy kong ipinamuhay ang mga pilosopiyang ito ni Satanas kahit naging mananampalataya na ako. Wala akong magawa kundi pinoprotektahan ko lang ang mga interes ko sa aking tungkulin, na hindi ko maisagawa ang katotohanan. Si Sister Chen ang isang halimbawa niyan. Nakita ko na hindi siya gumagawa ng praktikal na gawain at ayaw tumanggap ng puna, na siya ay huwad na lider, kaya dapat sana nanindigan ako at inireport siya. Pero natakot ako na wala namang mapapala ang report ko at matanggalan pa ako ng tungkulin. “Kapag naiiba ka tiyak pagbubuntunan ka,” at “Mas kakaunti ang gulo, mas mainam” ang mga pilosopiya ko sa buhay. Isa akong duwag. Hinayaan ko ang isang iresponsableng tao na gambalain ang mga bagay-bagay nang hindi nagtatangkang manindigan. Naging makasarili at mapanlinlang ako. Ang paggawa ng aking tungkulin at pagprotekta sa mga kapakanan ng bahay ng Diyos ay positibong bagay at nakaayon sa kalooban ng Diyos. Kapag ang isang tao ay nakakagambala sa gawain ng bahay ng Diyos, iyon ang eksaktong oras na manindigan sa panig ng Diyos at proteksyunan ang Kanyang mga kapakanan. Hinihingi ito ng Diyos sa Kanyang mga pinili. Tungkulin at responsibilidad ko ito. Pero takot akong gumawa ng isang bagay na mapipintasan ako, at maikompromiso ang mga interes ko, kaya hindi ako nagtangkang manindigan para sa gawain ng bahay ng Diyos. Hindi ko ginampanan ang aking tungkulin o mga responsibilidad. Anong klaseng mananampalataya ako? hindi ko nasabi ang dapat masabi, sa halip nakompromiso ako kay Satanas at nagwalang-bahala. Hinayaan ko ang isang iresponsableng tao na gambalain ang gawain ng bahay ng Diyos. Hindi ako nanindigan. Wala akong lakas ng loob ni kaunti. Nabubuhay ako nang walang integridad o dignidad. Nakita ko nang napakalinaw na ginagambala niya ang gawain ng bahay ng Diyos, pero hindi lamang ako nagbulag-bulagan kundi gusto ko pang layuan ito. Hindi ba’t pagpanig iyan kay Satanas, pagsalungat sa Diyos? Iyan ay malaking paglabag sa Diyos. Nang pinag-iisipan ko na talaga ito, hindi ko maisagawa ang katotohanan at natakot akong mawalan ng tungkulin kung irereport ko si Sister Chen. Pero ang talagang nangyari ay nang matapos kong ireport si Sister Chen kaagad siyang inalis. Nakaramdam ako ng hiya sa pangyayaring ito at ipinakita nito sa akin na sa bahay ng Diyos, Si Cristo at ang katotohanan ang nananaig. Sinumang hindi nagsasagawa ng katotohanan at hinahadlangan ang gawain ng bahay ng Diyos ay hindi magkakaroon ng karapatan doon. Sila ay matatanggal balang araw kung hindi sila magsisisi. Pero hindi ako tumitingin sa mga bagay-bagay batay sa mga prinsipyo ng katotohanan. Napigilan lang ako ng kapangyarihan at katayuan. Itinuring ko ang taong namumuno bilang superior ko at inisip na kung masasaktan ko ang damdamin niya, hindi ako magkakaroon ng karapatan sa bahay ng Diyos. Akala ko ang bahay ng Diyos ay isa lamang madilim na lugar, hindi patas at hindi makatarungan. Nilalapastangan ko ba ang Diyos? Kung hindi ako inilantad ng Diyos sa pamamagitan ng kapaligirang iyon, nang walang paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita, hindi ko pa rin malalaman kung anong mga napakasamang kahihinatnan ang dulot ng pamumuhay ng mga pilosopiya ni satanas. Ang talagang natutuhan ko sa bagay na ito ay na, bilang mananampalataya ang pamumuhay gamit ang mga salita ng Diyos, pagsasagawa ng katotohanan, at pagsunod sa mga prinsipyo. ay talagang nagdudulot ng kapayapaan at katahimikan. Isang mabuting bagay ito na dapat gawin ng mananampalataya. Kalaunan, lahat kami sa team ay nagfellowship ng naranasan at natamo namin. Bawat isa ay may natutuhang aral sa iba’t ibang antas, lalo na tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Unti-unti nang bumuti ang gawain sa team namin.
Sa tungkulin ko matapos iyon, Matapos ang mahigit isang buwang pakikipagkoordinasyon kay Sister Liu, ang lider ng isa pang team, natuklasan ko na mayabang at dominante siya. Ayaw niyang tumanggap ng mga mungkahi ng ibang tao at ginambala na niya ang gawain sa bahay ng Diyos. Alam kong dapat kong ipaalam ito sa iglesia sa pagkakataong ito. Pero naisip ko, “Sandali pa lang kaming nagkakasamang magtrabaho, kaya hindi ko pa siya gaanong kilala. Baka mali ang inaakala ko? Paaano kung siyasatin ito at nalamang wala naman palang malaking problema sa kanya? Ano ang iisipin sa akin ng lider at ng iba? Iisipin ba nila na mapaghanap ako ng mali? At ano ang iisipin ni Sister Liu sa akin kung nalaman niya? Hindi bale na lang, wala akong dapat sabihin.” Pagtatakpan ko na lang sana ito pero pakiramdam ko sinusurot ako ng konsiyensiya ko. Naalala ko dati kung paano nakompromiso nang labis ang gawain ng ebanghelyo dahil hindi ko kaagad inireport si Sister Chen. Pinagsisihan ko nang matindi ‘yan. Naisip ko, “Hindi ako maaaring mamuhay sa pagiging makasarili at kasuklam-suklam. Ayoko nang may pagsisihan sa pagkakataong ito.” Isang sipi mula sa mga salita ng Diyos ang bigla kong naisip: “Para sa bawat isa sa inyo na tumutupad sa inyong tungkulin, gaano man kalalim ang pagkaunawa mo sa katotohanan, kung nais mong pumasok sa realidad ng katotohanan, ang pinakasimpleng paraan para magsagawa ay isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng ginagawa mo, at bitawan ang iyong mga makasariling hangarin, indibidwal na layon, mga motibo, mukha, at katayuan. Unahin mo ang mga interes ng bahay ng Diyos — ito ang pinakamaliit na dapat mong gawin. Kung hindi ito magawa ng isang taong gumaganap sa kanyang tungkulin, paano masasabi na ginagampanan nila ang kanilang tungkulin? Hindi ito pagganap ng isang tao sa tungkulin. Dapat mo munang isaalang-alang ang mga interes ng bahay ng Diyos, isaalang-alang ang mga sariling interes ng Diyos, at isaalang-alang ang Kanyang gawain, at unahin ang mga bagay na ito; pagkatapos niyan, saka mo lamang maaaring isipin ang katatagan ng iyong katayuan o kung ano ang tingin sa iyo ng iba” (Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ang mga salita ng Diyos ay nagbigay sa akin ng landas ng pagsasagawa, na pag-uuna sa mga kapakanan ng bahay ng Diyos bago isaalang-alang ang sa aking sarili. Hindi ko dapat pansinin ang iisipin ng iba, kundi gawin ang nararapat para sa gawain ng bahay ng Diyos. Sandali pa lang kaming magkakilala at hindi ko talaga siya kilalang mabuti, pero talagang nakita ko na ang pag-uugali niya ay nakakagambala sa gawain ng bahay ng Diyos. Alam kong dapat kong sabihin ang nakita ko, itama ang mga motibo ko, at gawin ang tungkulin at mga responsibilidad ko. Kalaunan ay sinabi ko sa lider ang mga isyu tungkol kay Sister Liu at matapos imbestigahan ito, siya ay tinanggal ayon sa mga prinsipyo. Napanatag at napayapa ako nang mabalitaan ko ito at pakiramdam ko ay napanindigan ko ang mga interes o kapakanan ng bahay ng Diyos. Naranasan ko rin talaga na ang tanging paraan para mabuhay nang makabuluhan ay mamuhay ayon sa mga salita ng Diyos.
Ano ang pagsisisi? Pananalangin at pagkukumpisal? Ang mabuting pag-uugali ba ay kumakatawan sa totoong pagsisisi? Basahin ang artikulong ito at malalaman mo kung ano ang tunay na pagsisisi at kung paano tayo tunay na magsisi upang makapasok sa kaharian ng Diyos! I-click upang mabasa: Ano ang Pagsisisi? Paano Natin Makakamit ang Tunay na Pagsisisi?