“Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain” | Sipi 17

Pagdating ni Jesus
8 min readOct 10, 2020

--

Ang Kapalaran ng Tao ay Itinatakda sa Pamamagitan ng Kanyang Saloobin sa Diyos

Ang Diyos ay isang Diyos na buhay, at dahil magkakaiba ang paggawa ng mga tao sa iba’t ibang sitwasyon, ang saloobin ng Diyos sa mga paggawang ito ay magkakaiba rin sapagkat Siya ay hindi isang sunud-sunuran, at hindi rin Siya walang halaga. Ang pagkilala sa saloobin ng Diyos ay isang mahalagang hangarin para sa sangkatauhan. Dapat malaman ng mga tao kung paano, sa pamamagitan ng pagkilala sa saloobin ng Diyos, nilang malalaman ang disposisyon ng Diyos at maunawaan ng paunti-unti ang Kanyang puso. Kapag unti-unti mong maunawaan ang puso ng Diyos, hindi mo mararamdaman na mahirap gawin ang pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Dagdag pa, kapag naiintindihan mo ang Diyos, mas mahirap para sa iyo ang gumawa ng mga konklusyon tungkol sa Kanya. Kapag tumigil ka sa paggawa ng mga konklusyon tungkol sa Diyos, mas malamang hindi ka magkasala laban sa Kanya, at walang kamalayan na dadalhin ka ng Diyos sa pagkakilala sa Kanya, at sa gayong paraan magkakaroon ka ng takot sa Diyos sa iyong puso. Titigil ka sa pagtukoy sa Diyos gamit ang mga doktrina, ang mga liham, at ang mga teyorya na iyong pinagkadalubhasaan. Sa halip, sa pamamagitan ng palaging paghahanap sa mga layunin ng Diyos sa lahat ng bagay, hindi mo mamamalayang nagiging isa kang tao na naaayon sa puso ng Diyos.

Ang gawain ng Diyos ay hindi nakikita at hindi nagagalaw ng sangkatauhan, ngunit para sa Diyos, ang mga pagkilos ng bawat tao, kasama na ang kanilang saloobin sa Kanya — hindi lamang napapansin ng Diyos ang mga ito, kundi nakikita rin Niya. Ito ay isang bagay na dapat makilala at maging malinaw sa lahat. Maaaring lagi mong tinatanong sa iyong sarili: “Alam ba ng Diyos ang ginagawa ko dito? Alam ba ng Diyos kung ano ang iniisip ko ngayon? Marahil ay alam Niya, marahil hindi.” Kung tutularan mo ang ganitong uri ng pananaw, sumusunod at naniniwala sa Diyos ngunit nag-aalinlangan sa Kanyang gawain at sa Kanyang pag-iral, hindi magtatagal ay darating ka sa puntong magagalit ka sa Kanya, dahil ikaw ay lumalakad na sa gilid ng isang mapanganib na bangin. May nakita na Akong mga tao na naniniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon, ngunit hindi pa rin nila nakakamit ang reyalidad ng katotohanan, ni hindi rin nila nauunawaan ang kalooban ng Diyos. Walang anumang pag-unlad ang tayog ng kanilang buhay, nakikinig lamang sila sa pinakamababaw na doktrina. Ito ay dahil hindi kailanman sineryoso ng mga taong ito ang salita ng Diyos bilang mismong buhay nila, at hindi nila kailanman hinarap at tinanggap ang Kanyang pag-iral. Sa tingin mo ba ay napupuno ang Diyos ng kasiyahan kapag nakikita Niya ang ganitong mga tao? Naaaliw ba nila Siya? Sa kasong iyon, ang paraan ng paniniwala ng mga tao sa Diyos ang magpapasya sa kanilang kapalaran. Ito man ay tanong ng kung paano mo sinusunod o itinuturing ang Diyos, ang sarili mong saloobin ang pinakamahalagang bagay. Huwag mong isawalang-bahala ang Diyos sa iyong isipan na para Siyang walang halaga. Lagi mong isipin ang Diyos ng iyong paniniwala bilang isang buhay na Diyos, isang tunay na Diyos. Hindi Siya nandoon sa ikatlong langit na walang ginagawa. Sa halip, patuloy Siyang nakatingin sa puso ng lahat, nakatingin sa kung ano ang binabalak mo, sa bawat maliit na salita at gawa, nakatingin sa iyong pagkilos at sa iyong saloobin sa Diyos. Handa ka mang ibigay ang iyong sarili sa Diyos o hindi, ang lahat ng mga pag-uugali at kaibuturan ng iyong kaisipan at mga ideya mo ay nasa harapan ng Diyos, tinitingnan Niya ang mga ito. Ito ay ayon sa iyong pag-uugali, ayon sa iyong mga gawa, at ayon sa iyong saloobin sa Diyos, na ang opinyon at ang saloobin Niya sa iyo, ay patuloy na nagbabago. Gusto kong mag-alok ng ilang payo sa mga taong nais ilagay ang kanilang mga sarili tulad ng isang maliit na sanggol sa mga kamay ng Diyos, na parang dapat Siyang mahaling sa iyo, na parang hindi ka Niya maaaring iwanan, na parang ang Kanyang saloobin sa iyo ay nakatakda at hindi kailanman maaaring baguhin: Tumigil ka sa pangangarap! Ang Diyos ay matuwid sa pagtrato Niya sa bawat tao. Marubdob Niyang hinaharap ang paglupig at kaligtasan ng sangkatauhan. Iyan ang Kanyang pamamahala. Seryoso Siya sa pagtrato sa bawat tao, hindi tulad ng isang alagang hayop na pinaglalaruan. Ang pag-ibig ng Diyos sa tao ay hindi isang uri ng pagpapalayaw o pamimihasa; ang Kanyang awa at pagpaparaya sa sangkatauhan ay hindi mapagpalayaw o walang pakialam. Sa kabilang banda, ang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan ay para pahalagahan, kaawaan, at igalang ang buhay; Ipinahihiwatig ng Kanyang awa at pagpaparaya ang mga inaasahan Niya sa tao; Ang Kanyang awa at pagpaparaya ang kailangan ng sangkatauhan upang mabuhay. Ang Diyos ay buhay, at talagang mayroong Diyos; Ang Kanyang saloobin sa sangkatauhan ay may prinsipyo, hindi isang dogmatikong batas, at maaari itong baguhin. Ang Kanyang kalooban para sa sangkatauhan ay unti-unting nagbabago at nagbabago sa paglipas ng panahon, ng pangyayari, at sa saloobin ng bawat tao. Kaya dapat kang maging malinaw sa bagay na ito, at intindihin na hindi nagbabago ang diwa ng Diyos, at ang Kanyang disposisyon ay naihahayag sa iba’t ibang panahon, at sa iba’t ibang konteksto. Maaaring iniisip mo na hindi seryoso ang usaping ito, at ginagamit mo ang sarili mong mga pagkaintindi upang isipin kung paano ang dapat na paggawa ng Diyos sa mga bagay-bagay. Ngunit may mga oras na ang ganap na kabaliktaran ng iyong pananaw ay totoo, at sa pamamagitan ng paggamit ng sarili mong pagkaintindi upang subukin at sukatin ang Diyos, napasiklab mo na ang Kanyang galit. Ito ay dahil hindi kumikilos ang Diyos na tulad ng sa tingin mong pagkilos Niya, at hindi ituturing ng Diyos ang bagay na ito na tulad ng sinasabi mong gagawin Niya. Kaya ipinapaalala Ko sa iyo na mag-ingat ka at maging mahinahon sa pagturing mo sa lahat ng bagay sa iyong paligid, at matututunan mo kung paano sundin ang prinsipyo ng paglakad sa landas ng Diyos sa lahat ng bagay — pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Kailangan mong bumuo ng isang matatag na pag-unawa sa mga bagay ng kalooban at saloobin ng Diyos; humanap ka ng mga taong naliwanagan upang maitalastas ito sa iyo, at hanaping may pananabik. Huwag mong tingnan ang Diyos ng iyong paniniwala bilang isang sunud-sunuran — walang-pakundangang humuhusga, dumarating sa mga walang-pakundangang konklusyon, hindi tinatrato ang Diyos nang may paggalang na nararapat sa Kanya. Sa proseso ng kaligtasan ng Diyos, kapag pinapakahulugan Niya ang iyong kalalabasan, bibigyan ka man Niya ng awa, o pagpaparaya, o paghatol at pagkastigo, ang saloobin Niya sa iyo ay hindi nakapirmi. Ito ay nakasalalay sa iyong saloobin sa Diyos, at ang pag-unawa mo sa Kanya. Huwag mong hayaan na ang isang aspeto ng iyong kaalaman o pang-unawa sa Diyos ang pamalagiang ipagpakahulugan sa Kanya. Huwag kang maniwala sa isang patay na Diyos; maniwala ka sa isang buhay na Diyos. Tandaan ito! Kahit natalakay Ko ang ilang mga katotohanan dito, mga katotohanang kailangan ninyong marinig, para sa kasalukuyang tayog at antas ninyo, hindi Ako gagawa ng anumang mas malaking kahilingan para hindi maubos ang sigasig ninyo. Ang paggawa nito ay maaaring pumuno sa inyong puso ng kalungkutan, at magpadama sa iyo ng masyadong pagkabigo sa Diyos. Sa halip umaasa Ako na maaari ninyong gamitin ang pag-ibig ng Diyos sa inyong mga puso, at gamitin ang isang saloobin na may paggalang sa Diyos kapag naglalakad sa landas sa hinaharap. Huwag palabuin kung paano ituring ang paniniwala sa Diyos. Ituring ninyo ito bilang isa sa mga pinakamalaking katanungan. Ilagay ninyo ito sa inyong puso, isagawa ninyo ito, iugnay ito sa tunay na buhay — huwag niyo lamang basta sinasabi ito. Dahil ito ay isang bagay ng buhay at kamatayan, at ito ang tutukoy sa iyong tadhana. Huwag mo itong ituring na tulad ng isang biro, tulad ng laro ng isang bata! Pagkatapos Kong ibahagi ang mga salitang ito sa inyo ngayon, ano kaya ang naani ninyong pag-unawa sa inyong mga isip. Mayroon bang anumang mga katanungan ang nais ninyong itanong tungkol sa sinabi Ko dito ngayon?

Kahit na medyo bago ang mga paksang ito, at medyo malayo mula sa inyong mga pananaw at sa karaniwang sinusunod at binibigyang pansin ninyo, sa tingin ko pagkatapos nilang matalakay sa isang sandali, mabubuo sa inyo ang isang karaniwang pang-unawa sa lahat ng bagay na sinabi Ko dito. Dahil ang mga ito ay mga bagong paksa, mga paksa na hindi ninyo isinasaalang-alang noon, umaasa Ako na hindi sila makadadagdag sa inyong pasanin. Sinasabi Ko ang mga salitang ito ngayon hindi upang takutin kayo, at hindi Ko rin sinusubukang makitungo sa inyo; sa halip, ang Aking layunin ay upang matulungan kayong maunawaan ang katotohanan ng bagay na ito. Sa ano’t ano man, may distansya sa pagitan ng sangkatauhan at ng Diyos: Kahit naniniwala ang tao sa Diyos, hindi niya kailanman naunawaan ang Diyos; hindi niya kailanman nakilala ang saloobin ng Diyos. Hindi rin kailanman naging masigasig ang tao sa kanyang kinalaman para sa saloobin ng Diyos. Sa halip, sumampalataya siya nang pikit-mata, nagpatuloy siya nang pikit-mata, at naging di-maingat sa kanyang kaalaman at pang-unawa sa Diyos. Kaya napilitan Akong liwanagin ang mga isyung ito para sa inyo, at tulungan kayong maunawaan kung anong uri ng Diyos ang inyong pinaniniwalaan; kung ano ang iniisip Niya; kung ano ang Kanyang saloobin sa pagtrato Niya sa iba’t ibang uri ng mga tao; kung gaano kayo kalayo sa pagtupad sa Kanyang mga kahilingan; at ang pagkakaiba sa pagitan ng inyong mga kilos at ang pamantayan na Kanyang hinihingi. Ang layunin sa inyong pag-alam nito ay upang mabigyan kayo ng isang pamantayan sa inyong mga puso na susukat at magpapakita kung anong uri ng pag-aani ang kahahantungan ng landas na tinatahak ninyo, kung ano ang hindi pa ninyo natatamo sa landas na ito, at kung ano ang mga lugar na hindi pa kayo nakikibahagi. Kapag nag-uusap kayo, karaniwang pinag-uusapan ninyo ang ilang mga paksang karaniwang tinatalakay; makitid ang saklaw, at ang nilalaman ay napakababaw. May distansya, may puwang, sa pagitan ng mga bagay na tinatalakay ninyo at ang mga layunin ng Diyos, sa pagitan ng mga talakayan ninyo at ang saklaw at pamantayan ng mga kahilingan ng Diyos. Ang pagpapatuloy nang ganito sa paglipas ng panahon ang maglilihis sa inyo palayo nang palayo sa landas ng Diyos. Kinukuha niyo lamang ang mga umiiral na mga salita mula sa Diyos at ginagawa niyo ang mga ito na mga bagay ng pagsamba, ng seremonya at regulasyon. Ganoon lang ito! Sa katunayan, walang lugar ang Diyos sa inyong mga puso, at hindi kailanman natamo ng Diyos ang inyong mga puso. Iniisip ng ilang mga tao na napakahirap kilalanin ang Diyos — ito ang katotohanan. Ito’y mahirap! Kung hinihiling sa mga tao na tuparin ang kanilang mga tungkulin at gawin ang mga bagay-bagay sa panlabas, kung nahihiling sa kanila na magpagal nang husto, sa tingin ng mga tao ay napakadaling sumampalataya sa Diyos, dahil ang lahat ng mga ito ay tumutugma sa saklaw ng mga kakayahan ng tao. Ngunit sa sandaling lilipat ang paksa sa mga bahagi ng mga layunin at saloobin ng Diyos sa tao, mas humihirap ang mga bagay sa pananaw ng lahat. Ito ay dahil kailangan dito ang pang-unawa ng mga tao sa katotohanan at ang pagpasok nila sa reyalidad; siyempre may antas ito ng kahirapan! Ngunit pagkatapos mong makapasok sa unang pinto, pagkatapos mong simulan ang pagpasok dito, unti-unti itong padali ng padali.

Mula sa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”

————————————

Ang salita ng Diyos ang kailangan natin sa ating buhay. Ang Daily Bread Tagalog ay nagbibigay-daan sa inyo na magkaroon ng isang malapit na ugnayan sa Diyos.

--

--

Pagdating ni Jesus
Pagdating ni Jesus

Written by Pagdating ni Jesus

Natutupad na ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon, kaya paano natin sasalubungin pagdating ni Jesus?

No responses yet