Salita ng Diyos | “Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” | Sipi 35
Naparito ang Diyos sa lupa pangunahin upang wikain ang Kanyang mga salita; ang kinakaugnayan mo ay ang salita ng Diyos, ang nakikita mo ay ang salita ng Diyos, ang nadidinig mo ay ang salita ng Diyos, ang sinusunod mo ay ang salita ng Diyos, ang nararanasan mo ay ang salita ng Diyos, at ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay pangunahing ginagamit ang salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at lalo na hindi ang gawin ang mga ginawa ni Jesus noong nakaraan. Bagaman Sila ay Diyos, at kapwa katawang-tao, ang Kanilang mga ministeryo ay hindi pareho. Nang naparito si Jesus, ginawa rin Niya ang bahagi ng gawain ng Diyos, at nangusap ng ilang mga salita — subalit ano ang pangunahing gawain na natupad Niya? Ang pangunahing natupad Niya ay ang gawain ng pagkakapako sa krus. Naging kalarawan Siya ng makasalanang laman upang makumpleto ang gawain ng pagkakapako sa krus at matubos ang lahat ng sangkatauhan, at para sa kapakanan ng lahat ng kasalanan ng sangkatauhan Siya ay nagsilbi bilang pinakahandog dahil sa kasalanan. Ito ang pangunahing gawain na natupad Niya. Sa kahuli-hulihan, inilatag Niya ang daan ng krus upang gabayan ang yaong mga dumating nang huli. Nang dumating si Jesus, pangunahing kinumpleto Niya ang gawain ng pagtubos. Tinubos Niya ang lahat ng sangkatauhan at dinala ang ebanghelyo ng kaharian ng langit sa tao, at, karagdagan, dinala Niya ang kaharian ng langit. Bilang bunga, yaong mga dumating pagkatapos ay lahat nagsabi, “Dapat tayong tumahak sa daan ng krus, at isakripisyo ang ating mga sarili para sa krus.” Mangyari pa, si Jesus ay gumawa rin ng ilang iba pang mga gawain at nangusap ng ilang mga salita upang papagsisihin ang tao at ikumpisal ang kanyang mga kasalanan. Subalit ang Kanyang ministeryo ay ang pagkakapako pa rin sa krus, at ang tatlo’t kalahating taon na iginugol Niya sa pangangaral ng daan ay paghahanda para sa pagkakapako sa krus na sumunod pagkatapos. Na ang ilang ulit na nagdasal si Jesus ay para rin sa kapakanan ng pagpapapako. Ang buhay ng isang normal na tao na pinamunuan Niya at ang tatlumpu’t-tatlong taon Niyang buhay sa lupa ay pangunahin para sa kapakanan ng pagsasakumpleto ng gawain ng pagkakapako sa krus, na siyang nagbigay sa Kanya ng lakas, na nagbunsod sa Kanya na maisagawa ang gawaing ito, na ang bunga ay ang pagkakatiwala ng Diyos sa Kanya ng gawaing pagkakapako sa krus. Ngayon, anong gawa ang isasakatuparan ng Diyos na nagkatawang-tao? Ngayon, ang Diyos ay pangunahing nagkatawang-tao upang kumpletuhin ang gawain ng “ang Salita ay napakita sa katawang-tao,” upang gamitin ang salitang gawing perpekto ang tao, at tanggapin ng tao ang pakikitungo sa salita at kapinuhan ng salita. Sa Kanyang mga salita Siya ang sanhi upang iyong matamo ang tadhana at matamo ang buhay; sa Kanyang salita, nakikita mo ang Kanyang gawa at mga gawain. Ginagamit ng Diyos ang salita upang kastiguhin at papinuhin ka, at samakatwid kung magdurusa ka, ito ay dahil din sa salita ng Diyos. Ngayon, ang Diyos ay hindi gumagawa na gamit ang mga katunayan, kundi mga salita. Tanging matapos ang Kanyang mga salita ay makarating sa iyo ay saka lamang makakagawa ang Banal na Espiritu sa kalooban mo. at magdudulot sa iyo na dumanas ng sakit o makaramdaman ng katamisan. Tanging ang salita ng Diyos ang maaaring makapagdala sa iyo sa realidad, tanging ang salita ng Diyos ang may kakayanang gawin kang perpekto. Kung ganoon, sa paano man dapat mong maunawaan na ang gawa na ginawa ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ay pangunahin ang paggamit ng Kanyang mga salita upang gawing perpekto ang bawat tao at gabayan ang tao. Ang lahat ng gawain na ginagawa Niya ay sa pamamagitan ng salita; hindi Siya gumagamit ng mga katunayan upang kastiguhin ka. May mga panahon ang mga tao ay tumututol sa Diyos. Hindi nagsasanhi ang Diyos ng malaking paghihirap mo, ang iyong laman ay hindi napaparusahan o ikaw ay dumadanas ng hirap — subalit sa sandaling dumating sa iyo ang Kanyang salita, at pinipino ka, hindi mo mababata ito. Hindi ba’t gayon nga? Sa panahon ng mga “taga-serbisyo,” sinabi ng Diyos na itapon ang tao sa isang napakalalim na hukay. Talaga bang nakarating ang tao sa napakalalim na hukay? Sa pamamagitan ng simpleng paggamit ng mga salita upang pinuhin ang tao, ang tao ay pumasok sa napakalalim na hukay. At sa gayon, sa panahon ng mga huling araw, nang ang Diyos ay nagkatawang-tao, pangunahin Niyang ginamit ang salita upang tuparin ang lahat at gawing payak ang lahat. Tanging sa Kanyang salita maaari mong makita kung ano Siya; tanging sa mga salita Niya maaari mong makita na Siya ay Diyos Mismo. Nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa, wala Siyang ibang ginawa kundi ang mangusap ng mga salita — samakatwid hindi na kailangan ang mga katunayan; sapat na ang mga salita. Yaon ay sapagkat pangunahing naparito Siya upang gawin ang gawaing ito, hayaan ang tao na makita ang Kanyang kapangyarihan at kataas-taasang kapangyarihan sa Kanyang mga salita, hayaan ang mga tao na makita ang Kanyang mga salita kung gaano mapagkumbaba Niyang itinatago ang Kanyang Sarili, at hayaan ang tao na malaman ang Kanyang kabuuan sa Kanyang mga salita. At lahat ng anong mayroon Siya at sino Siya ay nasa Kanyang mga salita, ang Kanyang karunungan at pagka-nakakamangha ay nasa sa Kanyang mga salita. Sa ganito ipinakikita sa iyo ang maraming mga paraan na kung saan winiwika ng Diyos ang Kanyang mga salita. Karamihan sa mga gawain ng Diyos sa lahat ng panahong ito ay paglalaan, pagbubunyag at pakikitungo. Hindi Niya sinusumpa ang isang tao nang babahagya, at kahit na kapag ginawa Niya, ito ay sa pamamagitan ng salita. At sa gayon, sa kapanahunang ito na ang Diyos ay naging tao, huwag mong subukang tingnan ang Diyos na nagpapagaling at muling nagpapalayas ng mga demonyo, huwag mo palaging subukang hanapin ang mga tanda — wala itong saysay! Ang mga tandang iyon ay hindi maaaring makapagperpekto sa tao! Sa payak na salita: Ngayon, ang totoong Diyos Mismo na nagkatawang-tao ay nangungusap, at hindi kumikilos. Ito ang katotohanan! Gumagamit Siya ng mga salita upang maging perpekto ka, at gumagamit ng mga salita upang pakanin at diligan ka. Ginagamit din Niya ang mga salita upang gumawa, at ginagamit Niya ang mga salita sa halip na mga katunayan upang malaman mo ang Kanyang realidad. Kung may kakayanan kang maramdaman ang aspetong ito ng gawain ng Diyos, samakatwid mahirap maging di-aktibo. Sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na negatibo, dapat ninyong pagtuunan ng pansin yaong mga positibo — na ibig sabihin, hindi alintana kung natutupad ang mga salita ng Diyos o hindi, o mayroon o wala nang pagdating ng mga katunayan, ang Diyos ang sanhi upang matamo ng tao ang buhay mula sa Kanyang mga salita, at ito ang pinakadakila sa lahat ng mga tanda, at kahit na higit pa, ito ay isang hindi mapapabulaanang katunayan. Ito ang pinakamainam na katibayan na sa pamamagitan nito’y magkakaroon ng kaalaman sa Diyos, at isa pang mas higit na tanda sa mga tanda. Tanging ang mga salitang ito ang makakapagperpekto sa tao.
Mula sa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”
————————————
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinisimulan mong gawin ang iyong tungkulin. Sa pagganap mo sa iyong papel sa plano ng Diyos at sa Kanyang ordinasyon, sinisimulan mo ang iyong paglalakbay sa buhay. Anuman ang iyong pinagmulan, at anumang paglalakbay ang nasa iyong harapan, walang makakaiwas sa mga pagsasaayos at plano ng Langit, at walang sinumang may kontrol sa sarili nilang tadhana, dahil Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahang gawin iyon.”