Ebanghelyo Ngayong Araw: Paano Magiging Mas Malapit sa Diyos
Ebanghelyo Ngayong Araw: Paano Magiging Mas Malapit sa Diyos
Sinasabi ng Biblia, “Magsilapit kayo sa Dios, at siya’y lalapit sa inyo” (Santiago 4:8). Bilang mga Kristiyano, sa pamamagitan lamang ng paglapit sa Diyos at pagkakaroon ng isang tunay na pakikipag-ugnayan sa Kanya at saka natin mapananatili ang isang normal na relasyon sa Diyos at matamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Katulad lang ito ng dalawang taong nakikipag-ugnayan sa bawat isa, na mapananatili lamang nila ang kanilang malapit na relasyon sa mahabang panahon sa pamamagitan ng pagiging bukas sa isa’t isa, madalas na pakikipag-usap kapag nahaharap sila sa mga isyu, at sa pamamagitan ng pag-unawa at paggalang sa isa’t isa. Nguni’t sa panahong ito na ang lahat ay napakabilis, ang sobrang daming trabaho, kumplikadong mga relasyon at masasamang kalakarang panlipunan ang humahatak sa atin at madalas na sumasakop sa ating panahon. Ang ating mga puso ay madaling mabagabag ng mga tao, mga pangyayari at mga bagay sa sanlibutan, at pinipigilan tayong mapanatili ang normal na relasyon sa Diyos. Ito ang nagdadala sa atin palayo nang palayo sa Diyos, at kapag nahaharap tayo sa mga isyu, nagiging mas mahirap para sa atin na mapanatag ang ating mga sarili sa harapan ng Diyos, na lumapit sa Diyos at hanapin ang kaliwanagan at gabay ng Banal na Espiritu. Kapag gumagawa tayo ng mga bagay, kadalasan ginagawa natin ang mga ito nang walang ano mang tamang direksyon o layunin, at ang ating mga espiritu ay patuloy na nasa kalagayan ng kahungkagan at pagkabalisa. Kaya’t paano natin tiyak na mapananatili ang isang malapit na relasyon sa Diyos? Kailangan lang nating maunawaan ang apat na puntos sa ibaba, at ang ating relasyon sa Diyos ay siguradong mas magiging malapit.