Ano ang Gusto mong Sabihing sa Araw ng Pasko?

Pagdating ni Jesus
3 min readDec 25, 2020

--

Panginoong Jesus Ipako sa Krus

Sa lahat ng dako ay maligaya sa panahon ng Pasko. Habang ipagdiriwang mo ito, maaalaala mo ba ang pag-ibig ng Panginoong Jesus para sa sangkatauhan? Tulad ng nalalaman, ang Panginoong Jesus ay bumaba mula sa itaas at naparito sa tao, at ipinako sa krus para sa tao, tinubos ang mga tao mula sa ating mga kasalanan sa halaga ng Kanyang buhay. Ngunit naiintindihan mo ba na ang puso ng Panginoong Jesus ay nagmamadali nang Siya ay ipako sa krus?

Sabi ng Makapangyarihang Diyos,“Bagamat nalalaman Niya sa Sarili Niya na ang pananagutan na kailangan Niyang tanggapin sa katawang-tao ay napakalawak, at gaano kalupit ang pagdurusa na Kanyang haharapin, nang Kanyang makita na ang sangkatauhan ay mahina sa kasalanan, nang Kanyang makita ang pagiging aba ng kanilang mga buhay at ang kanilang mahinang pagpupunyagi sa ilalim ng kautusan, nakadama Siya ng ibayong kadalamhatian, at lalo siyang naging sabik na sabik na mailigtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Hindi alintana anumang uri ng hirap ang Kanyang haharapin o kung anumang uri ng hapis ang Kanyang daranasin, Lalo Siyang naging determinado na tubusin ang sangkatauhang nabubuhay sa kasalanan. Sa panahon ng prosesong ito, maaari mong masabi na nagsimulang maintindihan ng Panginoong Jesus nang lalong mas malinaw ang gawain na kinailangan Niyang gawin at kung ano ang ipinagkatiwala sa Kanya. Lalo ding nadagdagan ang Kanyang kasabikan na makumpleto ang gawain na Kanyang tinanggap — upang akuin ang lahat ng kasalanan ng sangkatauhan, upang ibayad-sala sa sangkatauhan upang hindi na sila mabuhay sa ilalim ng pagkakasala at malimutan ng Diyos ang kasalanan ng tao dahil sa handog ukol sa kasalanan, nagpahintulot sa Kanya upang ipagpatuloy ang Kanyang gawain sa pagliligtas sa sangkatauhan. Maaaring masabi na sa puso ng Panginoong Jesus, nakahanda Siyang ialay ang Sarili Niya para sa sangkatauhan, upang isakripisyo ang Sarili Niya. Nakahanda din Siyang umakto bilang handog para sa kasalanan, magpapako sa krus, at sabik Siyang makumpleto ang gawaing ito. Nang makita Niya ang miserableng kalagayan ng buhay ng mga tao, mas lalo Niyang ginusto na matupad ang Kanyang misyon kaagad-agad, nang walang pagkaantala kahit isang sandali o saglit. Nang magkaroon Siya ng gayong pakiramdam ng pagmamadali, hindi Niya inisip kung gaano kalaki ang Kanyang magiging pasakit, at hindi Niya inisip pa kung gaano kadaming kahihiyan ang kailangan Niyang tiisin — mayroon lamang siyang pinanghahawakang isang paninindigan sa Kanyang puso: Hangga’t inialay Niya ang Kanyang Sarili, hangga’t Siya ay ipinako sa krus bilang isang handog sa pagkakasala, ang kalooban ng Diyos ay maisasakatuparan at magagawa Niyang makapagpasimula ng panibagong gawain. Ang mga buhay ng sangkatauhan sa kasalanan, ang kanilang kalagayan sa pag-iral sa kasalanan ay lubos na mababago. Ang Kanyang paninindigan at kung ano ang pinagpasyahan Niyang gawin ay may kaugnayan sa pagliligtas sa tao, at mayroon lamang Siyang isang layunin: upang ipatupad ang kalooban ng Diyos, nang upang magawa Niyang matagumpay na maumpisahan ang susunod na yugto sa Kanyang gawain. Ito ang kung ano ang nasa isip ng Panginoong Jesus sa panahong iyon.”
mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”

--

--

Pagdating ni Jesus
Pagdating ni Jesus

Written by Pagdating ni Jesus

Natutupad na ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon, kaya paano natin sasalubungin pagdating ni Jesus?

No responses yet