Ang Mga Salita ng Diyos Ang Katotohanan at Nagbibigay Sustansya sa Buhay ng Tao

Pagdating ni Jesus
4 min readDec 20, 2020

--

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kung ang mga salitang sinabi man ng Diyos ay, sa panlabas na anyo, malinaw o malalim, ang mga iyon ay mga katotohanang kailangang-kailangan ng tao sa pagpasok niya sa buhay; ang mga iyon ang pinagmumulan ng tubig na buhay na nagbibigay sa kanya ng kakayahang mabuhay kapwa sa espiritu at laman. Ipinagkakaloob ng mga ito ang kailangan ng tao para manatiling buhay; ang doktrina at paniniwala para sa pagpapatakbo ng pang-araw-araw na buhay; ang daan, layunin, at direksyon na dapat daanan upang makatanggap ng kaligtasan; bawat katotohanan na dapat niyang taglayin bilang isang nilikha sa harapan ng Diyos; at bawat katotohanan tungkol sa kung paano sumusunod ang tao at sumasamba sa Diyos. Ang mga iyon ang garantiya na tumitiyak ng pananatiling buhay ng tao, ang mga iyon ang pang-araw-araw na tinapay ng tao, at ang mga iyon din ang matibay na suportang nagsasanhi sa tao na maging malakas at tumayo. Sagana ang mga iyon sa katunayan ng katotohanan ng normal na pagkatao tulad ng pagsasapamuhay nito ng nilikhang sangkatauhan, mayaman sa katotohanan kung saan sa pamamagitan nito ang sangkatauhan ay nakakatakas mula sa kasamaan at nakakaiwas sa mga patibong ni Satanas, mayaman sa walang-pagod na pagtuturo, panghihikayat, pagpapalakas ng loob, at kaaliwan na ibinibigay ng Lumikha sa nilikhang sangkatauhan. Ang mga iyon ang mga parolang gumagabay at nagliliwanag sa mga tao para maunawaan ang lahat ng positibo, ang garantiya na tumitiyak na ang mga tao ay magsasabuhay at magtataglay ng lahat ng matuwid at mabuti, ang pamantayan kung saan ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay ay lahat sinusukat, at ang tanda sa paglalakbay na nag-aakay sa mga tao tungo sa kaligtasan at sa daan ng liwanag.
mula sa “Ang Salita’y Nagpakita sa Katawang-tao”

Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na ang mga salita ng Diyos ang makakapagbigay sustansiya sa buhay ng tao at magpapakita sa atin ng landas sa ating mga buhay. Hangga’t tayo ay nakikinig sa mga salita ng Diyos at nabubuhay sa Kanyang mga salita, tayo ay mabubuhay sa mga pagpapala ng Diyos at magkakamit ng buhay. Bilang halimbawa, sa simula, nilikha ng Diyos ang lahat sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Ang kapaligiran na kung saan nabubuhay ang tao, ang sikat ng araw, hangin, tubig, mga butil at gulay na nagsimulang nabuo alinsunod sa mga salita ng Diyos. Kung walang pagsasakatuparan ng mga salita ng Diyos, tayong mga tao ay hindi mabubuhay magpahanggang ngayon. Sa kabilang banda, ang Diyos ang nagpapalago sa sangkatauhan at nagbibigay sustansya sa buhay ng tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng lahat ng ating mga materyal na pangangailangan. Sa kabilang banda, ang Diyos ang nagbibigay sa mga tao ng Kanyang mga salita sa Kanyang gawain. Sa Lumang Tipan sa Kapanahunan ng Kautusan, ang mga tao ay hindi nalalaman paano sasambahin ang Diyos, at ni hindi naiintindihan ang mga karaniwang kahulugan ng buhay. Samakatuwid, ayon sa mga pangangailangan ng tao, ang Diyos na Jehovah ay nagpalabas ng Sampung Utos at ng batas upang turuan ang mga tao, upang ang mga Israelita ng panahong iyon ay malaman kung paano mabuhay at maunawaan ang karaniwang kahulugan at ang mga panuntunan ng sariling pag-uugali, tulad na lamang ng kung paano makihalubilo sa iba. Sa panahong iyon, kapag ang mga tao ay sumunod sa mga utos ng Diyos, sila ay bibiyayaan ng Diyos at mabubuhay ng mapayapa. Subalit, sa huling bahagi ng Kapanahunan ng Kautusan, ang mga tao ay higit na natiwali ni Satanas at silang lahat ay nabuhay sa kasalanan, hindi na napanatili ang batas, at naharap sa panganib na makondena at maparusahan ng batas. Kaya, ang Panginoong Jesus ay dumating at sinimulan ang Kapanahunan ng Biyaya. Ipinahayag Niya ang paraan ng pagsisisi, nagsagawa ng gawain ng pagtubos, at personal na ipinako bilang alay sa kasalanan ng tao para mailigtas ang mga tao, upang sila ay makatakas sa pagkondena at kapahamakan sa ilalim ng batas. Kapag ating tinanggap ang pangalan ng Panginoon at nagdasal sa Kanya matapos magkasala, ang ating mga kasalanan ay mapapatawad, at sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga turo ng Panginoon sa ating mga buhay, ay magagawa nating tamasahin ang mayamang biyaya at mga pagpapala ng Diyos. Mula sa gawain na ginawa ng Diyos sa nakalipas, makikita natin na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan at maaaring maging ating buhay.

Magrekomenda nang higit pa: Araw-araw na mga Salita ng Diyos

Dapat mong basahin ang mga salita ng Diyos upang gumawa ng daily devotion in tagalog na tutulong sa iyo na sundan ang mga yapak ng Kordero at makibahagi sa masaganang pagkakaloob ng buhay.

--

--

Pagdating ni Jesus
Pagdating ni Jesus

Written by Pagdating ni Jesus

Natutupad na ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon, kaya paano natin sasalubungin pagdating ni Jesus?

No responses yet