Sa Pagbabalik ng Panginoon sa mga Huling Araw, Paano Natin Siya Makikilala?

Pagdating ni Jesus
2 min readDec 15, 2020

--

Ang Pangalawang Pagdating ng Panginoong Jesus

Ngayon ang lahat ng mga uri ng mga sakuna ay nagiging mas malala at mas masahol pa, at ang mga propesiya ng pagdating ng Panginoon ay natutupad na. Maraming tao ang nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik na at ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang Anak ng tao upang gumawa ng bagong gawain. Pagkarinig sa balitang ito, binati ng ilang tao ang Panginoon pagkatapos ng paghahanap at pagsisiyasat. Gayunpaman, ang ilang mga tao ay hindi naniniwala sa katotohanan na ang Diyos ay nagkatawang-tao, hindi naghahanap o nagsisiyasat, kaya madali para sa kanila na mapalampas ang pagkakataon upang salubungin ang Panginoon at mawala ang kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw.

Balik tanaw 2000 taon na ang nakalilipas nang dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, ang mga Pariseo ay lumaban at kinondena ang Panginoon at ipinako Siya sa krus, na nakagawa ng isang kasuklam-suklam na kasalanan, sapagkat ang Panginoon ay hindi mataas at hindi ipinanganak sa isang palasyo ng hari, na kung saan ay hindi nakaayon sa kanilang mga paniwala at imahinasyon Gayunpaman, ang mga alagad ng Panginoon, tulad nina Pedro at Juan, ay hindi binigyan pansin ang panlabas na anyo ng Panginoong Jesus at ang kalagayan ng Kanyang kapanganakan, ngunit sa halip ay tinanggap nila at sinunod ang Panginoon matapos makita na ang mga salita ng Panginoon ay mayroong awtoridad at kapangyarihan, at na sila ay nagmula sa Diyos. Sa huli, natanggap nila ang Kanyang kaligtasan.

Sa mga huling araw, bumalik na ang Panginoon bilang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos. Kung gayon paano natin makikilala na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoon at masalubong ang Panginoon? Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nagpapakita sa atin ng paraan. Mangyaring makinig sa pagbasang ito ng mga salita ng Diyos.

Mas nagiging malala ang mga sakuna, na siyang mga palatandaan ng mga huling araw. Sa ganitong mga araw na madalas na nangyayari ang mga sakuna, paano natin dapat salubungin ang pagbabalik ng Panginoon?
Inirerekomenda: Lumitaw na ang mga Palatandaan ng mga huling araw: Paano Tayo Madadala Bago Sumapit ang Malaking Pagdurusa?

--

--

Pagdating ni Jesus
Pagdating ni Jesus

Written by Pagdating ni Jesus

Natutupad na ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon, kaya paano natin sasalubungin pagdating ni Jesus?

No responses yet