Ang Bunga ng Isang Matapat na Ulat
Ni Zhao Ming, Tsina
Noong Abril 2011, kinailangan kong kunin ang lugar ng isang pinunong nagngangalang Yao Lan sa isang iglesia sa ibang bahagi ng bansa. Noong nagpapalitan, samantalang ibinibigay sa akin ni Yao Lan ang buod ng sitwasyon sa iglesia, nabanggit niya na ang kanyang anak na babae na si Xiaomin ay isang diakono ng pagdidilig, at tutulungan niya akong maging pamilyar sa gawain ng iglesia. Hindi ko mapigilang humanga ng kaunti habang kanyang ipinapaliwanag ang lahat ng bagay sa napakaayos na paraan. Tila napakabuti ng pagpapalakad ni Yao Lan sa gawain ng iglesia at mayroon siyang kakayanan, kaya’t hindi nakapagtatakang nagagawa niya ngayong pangunahan ang napakalawak na gawain. Nagpasya ako sa aking sarili na bigyang konsiderasyon ang kalooban ng Diyos at gawin ang lahat ng aking makakaya upang gampanang mabuti ang gawain ng iglesia.
Noong sumunod na araw, isinama ako ni Xiaomin sa isang pagpupulong ng mga pinuno ng pangkat. Pagkatapos naming bumasa sa mga salita ng Diyos, nagbahagi ako ng kaunti tungkol sa aking angkop na karanasan at pagkaunawa. Pagkatapos ay hindi natutuwang sinabi ni Sister Xia, “Hindi nagbahagi ang ating dating pinuno sa gayong paraan. Ipinapaliwanag niya sa amin ang bawat linya, at sinasabi ang mga bagay na gaya ng ‘Ito’y pagpapalakas ng loob,’ at ‘Ito’y isang babala.’” Idinagdag pa ng ibang mga kapatid na napakaliwanag magbahagi ni Yao Lan tungkol sa katotohanan. Lubos akong nagtaka at inisip na: “Hindi ba’t ang pagbabahagi sa mga salita ng Diyos ay pagsasalita tungkol sa ating mga sariling karanasan at pagkaunawa base sa Kanyang mga salita? Bakit hindi nagsasalita si Yao Lan tungkol sa kung paano niya isinasagawa at nararanasan ang mga salita ng Diyos? Bakit niya ipinapaliwanag ang bawat linya ng mga salita ng Diyos? Matutulungan ba silang maunawaan ang katotohanan at makilala ang kanilang sarili ng pagbabahagi sa ganitong paraan?” Nais kong talakayin ang mga prinsipyo ng pagbabahagi ng mga salita ng Diyos sa mga pagpupulong kasama nila, ngunit naisip ko: “Bago ako sa iglesiang ito at may pananagutan si Yao Lan sa aking gawain. Narito rin ang kanyang anak na si Xiaomin. Kung sabihin ko na ang paraan ng pagbabahagi ni Yao Lan ay nangangahulugan ng pagpapaliwanag sa literal na kahulugan at nakarating ito sa kanya, maaari niyang sabihin na sinisiraan ko siya pagkarating ko pa lang, at pag-isipan ako ng masama. Nakakahiya kapag nasaktan ko ang damdamin niya.” Kaya’t tumahimik na lang ako, at natapos na iyon.
Isang araw, ibinigay sa akin ni Sister Xiao ang isang liham nang hindi nalalaman ni Xiaomin. Sinabi sa liham na dati’y nagmungkahi siya kay Yao Lan, ngunit hindi ito tinanggap ni Yao Lan. Hindi lang iyon, nagsimula pa si Yao Lan na pigilan siya at ayaw na siyang bigyan ng tungkulin ng pagho-host. Nagulantang ako. Naisip ko: “Siguro’y mali si Sister Xiao. Paano magagawang apihin ni Yao Lan ang sinuman?” Pagkatapos ay hinanap ko si Xiaomin upang maunawaan ang sitwasyon. Sinabi ni Xiaomin na masigasig si Sister Xiao, ngunit madalas na hindi niya nauunawaan ang mga bagay-bagay. Nagpatuloy siya sa pagsasabi na sikat si Sister Xiao sa lugar nila bilang isang mananampalataya, na hindi ligtas ang kanilang tahanan, kulang siya sa kaalaman para magpanatili ng isang ligtas na kapaligiran sa tahanan. Marami siyang sinabing negatibo tungkol kay Sister Xiao. Naisip ko: “Kung totoo lahat ito, hindi talaga karapat-dapat si Sister Xiao para sa tungkulin ng pagho-host. Ngunit bakit niya sasabihin na inaapi siya ni Yao Lan? Marahil ay mayroon siyang sama ng loob kay Yao Lan.” Subalit hindi ako mapalagay, kaya dinalaw ko si Sister Xiao sa kanyang tahanan. Natuklasan ko na ang kanyang tahanan ay medyo angkop para sa pagho-host, at hindi naman siya talaga kulang sa kaalaman, kaya’t nagtaka ako. Inisip ko: “Paano magiging napakalayo ng mga bagay-bagay sa sinasabi ni Xiaomin? Talaga bang inaapi ni Yao Lan si Sister Xiao?” Noong humingi ako ng dagdag na detalye kay Sister Xiao, napag-alaman ko na ginagamit ni Yao Lan ang pangangailangan sa pagiging ligtas bilang isang dahilan, na pinigilan niya ang ilang diakono sa pagganap sa kanilang mga tungkulin, at dahil dito nawalan ng magdidilig sa mga kapatid. Hindi sila namumuhay ng normal na buhay iglesia. Noong binanggit ito ni Sister Xiao kay Yao Lan, na sinasabing hindi gumagana ang kanyang pagsasa-ayos, hindi lamang tumanggi si Yao Lan na tanggapin ito, kundi binawi pa kay Sister Xiao ang kanyang tungkulin. Itinago pa niya ang liham ni Sister Xiao na nag-uulat sa kanya. Nabigla akong marinig ito. Paano mangyayari iyon? Malinaw na mali si Yao Lan, ngunit hindi niya tinatanggap ang sinasabi ni Sister Xiao, at yinapakan pa siya at pinigilan ang kanyang liham. Malinaw na hindi siya isang taong tumatanggap sa katotohanan! Muli kong naisip kung paanong hindi siya nagsasalita tungkol sa sarili niyang mga karanasan at pagkaunawa kapag nagbabahagi siya sa mga salita ng Diyos, kundi kinukuha ang mga salita ng Diyos nang wala sa context at inililigaw ang mga kapatid. Lubos niyang nilabag ang mga prinsipyo ng pagbabahagi sa mga salita ng Diyos. Naisip ko na baka mayroon siyang tunay na problema at kailangan ko itong iulat sa aming mga pinuno upang hindi maantala ang gawain ng tahanan ng Diyos. Ngunit naisip ko: “Sang-ayon sa sinabi ni Sister Xiao, mababa ang pagkatao ni Yao Lan. Pinamamahalaan niya sa kasalukuyan ang aking gawain, kaya’t kapag natuklasan niyang ako ang nag-ulat sa kanya, maaari niya akong usigin at tanggalin ako sa aking tungkulin.” May buntong hininga akong nagpasya na pinakamabuti kung wala akong sasabihin, ngunit nagpasya din akong isaayos ang pagpapatuloy ni Sister Xiao sa tungkulin ng pagho-host.
Hindi ko inaasahan, pagkalipas ng ilang araw, iniulat din sa akin ni Sister Chen ang ilan sa masasamang ginagawa ni Yao Lan. Sinabi niya na si Brother Wang at ang kanyang asawa ay mga bagong hikayat at natatakot sila dahil sa mga panghuhuli at pang-uusig ng Chinese Communist Party, kaya’t hindi sila naglalakas loob na tumanggap ng tungkulin ng pagho-host. Hindi lang hindi nagbahagi si Yao Lan tungkol sa katotohanan para matulungan sila, kundi pinagalitan pa sila at pinigilan ang sinumang gustong sumuporta sa kanila. Sa wakas, nalugmok si Brother Wang at ang kanyang asawa sa pagiging negatibo at ayaw na dumalo sa mga pagpupulong. Noong sinabihan ni Sister Chen si Yao Lan na hindi dapat ganito tratuhin ang mga kapatid, hindi siya nagbulay-bulay tungkol sa kanyang sarili, kundi nag-imbento ng kwento tungkol sa pagkakakompromiso ng seguridad ni Sister Chen. Pagkatapos ay inihiwalay niya si Sister Chen sa iglesia ng ilang buwan, na hindi siya pinahihintulutang makibahagi sa buhay iglesia. Mayroon pang isang kapatid na babae na gumaganap sa tungkulin ng pagdidilig. Sa mga pagpupulong, isasama niya ang mga salita ng Diyos sa kanyang pagbabahagi at magiging lubusang bukas at matapat sa mga kung anong tiwaling disposisyon ang kanyang inilalantad. Sinamantala ni Yao Lan ang pagkakataon na ito para tanggalin siya sa tungkulin. Pagkatapos ay iniangat niya ang sarili niyang anak na si Xiaomin sa tungkulin ng pagdidilig at sinabihan ang mga kapatid na sanayin din ang kanyang anak, dahil magdadala siya ng mga mahahalagang tungkulin sa tahanan ng Diyos sa hinaharap. Itinaas din ni Yao Lan ang kanyang asawa sa pagiging pinuno ng pangkat, samantalang sa katunayan ay hindi siya isang tunay na mananampalataya, at hindi kayang magbahagi ng anumang may kahalagahan sa mga pagpupulong. Subalit kumikilos si Yao Lan sang-ayon sa emosyon at hinatak ang kanyang asawa papasok sa iglesia, pagkatapos ay binigyan siya ng tungkulin ng pagiging pinuno ng pangkat — napakalaking paglabag nito sa mga atas administratibo. At hindi natapos doon ang kanyang masasamang gawa. Pinamahalaan ni Yao Lan at ng kanyang anak na babae ang iglesia na parang mga hari, na inuusig at pinag-uutusan ang mga kapatid sang-ayon sa kanilang kagustuhan, hanggang natatakot na sila na makita lang siya at walang naglalakas-loob na magbigay ng opinyon. Habang pinapakinggan ko si Sister Chen, ako’y nagugulantang at nagagalit. Noong ibigay sa akin ni Yao Lan ang kanyang gawain noong una, humanga ako sa kanya noong sinabi niyang tumatakbong mabuti ang buong gawain. Ngunit kasinungalingan lahat iyon. Hindi lamang niya binabanggit nang wala sa context ang mga salita ng Diyos sa panahon ng pagbabahagi at inililigaw ang ilang mga kapatid sa pamamagitan ng pangangaral ng mga titik at doktrina, tinamasa din niya ang mga biyaya ng kanyang posisyon at sinusupil ang mga kapatid. Umabot pa siya sa pamamahala sa iglesia sa paraang mapaniil, upang usigin and iba ayon sa kanyang kagustuhan, at tanggalin ang mga tao sa kanilang tungkulin. Itinataas niya at pinapangalagaan iyong malalapit sa kanya, at nagsasagawa ng nepotismo. Ipinapakita ng ugali niyang walang habas at walang ingat at ng marami niyang mga masasamang gawain na siya’y isang anticristong wala nang pag-asang magbago! Ngayong higit na malawig ang sakop ng kanyang gawain, tiyak na mas maraming mga kapatid ang mapipinsala. Alam kong kailangan ko siyang iulat sa isang nasa mas mataas na tungkulin sa pinakamaagang pagkakataon at panindigan ang gawain ng iglesia. Subalit noong pinag-iisipan ko ang tungkol sa pag-uulat sa kanya, nagsimula akong mag-alala: “Si Yao Lan ang namamahala sa gawain ko. Kapag nalaman niyang ako ang nag-ulat sa kanya, dahil alam ko kung paano siya kumilos, marahil ay tatanggalin niya ako sa aking tungkulin bilang pinuno ng iglesia at pauuwiin ako. Baka makahanap pa siya ng dahilan para usigin at parusahan ako. Magiging napakahirap ng buhay ko. Paano kung mapatalsik ako sa iglesia? Kapag nagkagayon magwawakas na ang paglalakbay ko sa pananampalataya sa Diyos. Kailangan kong maging makatotohanan. Aayusin ko muna ang gawain ng iglesia, pagkatapos ay tingnan natin.” At sa gayon, upang maingatan ang aking sarili, nagpasya akong huwag siyang iulat at ilantad. Ngunit noong sumunod na pagpupulong, nakita ko ang mga tinging umaasa sa mukha ng mga inuusig na kapatid, nakadama ako ng lubos na pagkabahala at inuusig ang aking konsyensya. Bukod dito, noong marinig ko silang sinasabi kung paano lumilibot sa iglesia si Xiaomin na itinataas ang kakayanan ni Yao Lan na magbahagi sa katotohanan, at pinipilit niya at pinapangaralan ang mga kapatid sa paraang nangmamaliit, lalo akong nagalit. Sinabi ko sa aking sarili: “Kailangan kong iulat ang kasamaang ginagawa ni Yao Lan at Xiaomin sa isang nasa mataas na tungkulin. Hindi ko sila maaaring pahintulutang gumawa ng masama at usigin ang mga kapatid sang-ayon sa kanilang kagustuhan.” Kaya’t isinulat ko ang lahat ng sinabi sa akin ng mga kapatid tungkol sa kanila. Ngunit pagkatapos ng pagtitipon, nakadama na naman ako ng pagdadalawang-isip: Ano ang gagawing kaparusahan ni Yao Lan sa akin kapag nalaman niya ito? Ngunit hindi ba ako gumagawa ng masama kung piliin kong ingatan ang aking sarili at hindi ilantad ang dalawang ito? Nasa pagitan ako ng isang bato at isang matigas na bagay at labis akong naguguluhan na anupa’t hindi na ako makahinga sa sobrang higpit. Lumuhod ako at nanalangin sa Diyos nang umiiyak, sinasabing, “Mahal na Diyos, nais kong iulat si Yao Lan at ang kanyang anak na babae sa aking mga pinuno, ngunit natatakot akong paghihigantihan nila ako. O Diyos, gabayan po Ninyo akong makalaya sa panunupil ng mga kapangyarihan ng kadiliman, at magsagawa ng katotohanan at panindigan ang gawain ng iglesia.”
Pagkatapos ng aking panalangin, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Lahat kayo’y nagsasabi na isasaalang-alang ninyo ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia, ngunit sino ba talaga ang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos? Itanong mo sa iyong sarili: Ikaw ba’y isa tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? Makakapagsagawa ka ba ng katuwiran para sa Kanya? Makakapanindigan ka ba at makakapagsalita para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? Ikaw ba’y may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapapahintulutan mo ba ang Aking mga layunin na matupad sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso sa pinakamahalagang sandali? Ikaw ba’y taong gumaganap sa Aking kalooban? Itanong mo sa iyong sarili ang mga katanungang ito at madalas mo silang isipin” (“Kabanata 13” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ikinahihiya ko ang aking sarili noong mabasa ko ang mga paghahayag na ito sa mga salita ng Diyos. Nananampalataya ako sa Diyos, ngunit walang lugar ang Diyos sa aking puso. Hindi ko siniseryoso ang tagubilin ng Diyos, at tanging mga pansariling kapakanan ko lang ang iniisip ko sa harap ng mga problema. Hindi ko iniingatan ang gawain ng tahanan ng Diyos. Malinaw na natuklasan kong ipinapaliwanag ni Yao Lan ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagbanggit sa kanila nang wala sa konteksto, na naghahari-harian siya sa iglesia, at pinaparusahan at inuusig niya ang mga kapatid. Upang maitaas iyong pinakamalapit sa kanya at pagtibayin ang kanyang pwersa, tinatanggal niya ang mga tao mula sa kanilang mga tungkulin ayon sa sarili niyang kagustuhan, lubos na ginagambala at hinahadlangan ang buhay iglesia at pinipilit at pinipinsala ang mga kapatid. Lalo pa ngayong lumawak ang sakop ng kanyang gawain, nasa posisyon siya upang lalo pang makapinsala sa higit na maraming mga kapatid. Ngunit kinatakutan ko ang katayuan at impluwensya ni Yao Lan, takot na mausig at matanggal niya, na mawala ang aking posisyon at mga pagkakataon sa hinaharap, at sa paghihiganti niya at ng kanyang anak na babae, kaya’t hindi ako nanindigan sa mga prinsipyo at iniulat sila. At sa gayon, tinunghayan ko na mulat ang mga mata habang naghuhuramentado ang mga anticristo sa iglesia. Inuusig ang mga kapatid at napipinsala ang kanilang mga buhay, ngunit hindi pa rin ako nangahas na manindigan at ilantad si Satanas. Napakasama, makasarili, at kasuklaam-suklam na tao ako! Pagkatapos ay nabasa ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabi: “Labis nang nagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Ang kamandag ni Satanas ay dumadaloy sa dugo ng bawat tao, at makikita na ang kalikasan ng tao ay tiwali, masama, at radikal, puno ng at lubos na nakalubog sa mga pilosopiya ni Satanas — ito, sa kabuuan nito, ay isang likas na pagkatao na nagtataksil sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nilalabanan at sinasalungat ng mga tao ang Diyos” (“Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). “Tungkol naman sa kung ano ang lason ni Satanas, lubos itong maipapahayag sa mga salita. Halimbawa, kung tatanungin mo ang ilang masamang tao kung bakit sila kumilos sa paraang ginawa nila, sasagot sila: ‘Dahil ang bawat tao ay para sa kanyang sarili, at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Maaari silang gumawa ng mga bagay-bagay para sa ganito at ganoong layunin, ngunit ginagawa lamang nila iyon para sa kanilang sarili. Iniisip ng lahat ng tao na dahil ang bawat tao ay para sa kanyang sarili at bahala na ang iba, dapat mabuhay ang mga tao para sa sarili nilang kapakanan, at gawin ang lahat ng makakaya nila para magkaroon ng magandang posisyon alang-alang sa pagkain at marangyang pananamit. ‘Bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’ — ito ang buhay at ang pilosopiya ng tao, at kinakatawan din nito ang likas na pagkatao. Ang mga salitang ito ang mismong lason ni Satanas, at kapag isinapuso ito ng mga tao, nagiging kalikasan na nila ito. Ang kalikasan ni Satanas ay inilalantad sa pamamagitan ng mga salitang ito; lubos itong kinakatawan ng mga ito. Ang lasong ito ay nagiging buhay ng mga tao at nagiging pundasyon din nila sa buhay, at ang sangkatauhang ginawang tiwali ay patuloy nang pinangingibabawan ng lasong ito sa loob ng libu-libong taon” (“Paano Lakaran Ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na ako’y naging tiwali at niyuyurakan ni Satanas, at maging ang aking mga buto at dugo ay napuno at pinasukan ng mga lasong mala-satanas, pilosopiya, at mga atas, hanggang ako mismo ay nagiging lalong masama at makasarili. Nabubuhay ako sa pamamagitan ng mga mala-satanas na lason ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” “Kapag alam mong may mali, tumahimik ka na lang,” at “Matitinong tao’y mabuti’t maingat sa sarili, tanging hangad nila’y hindi magkamali.” Naging palipit na ang aking mga kaisipan at masasama ang aking mga pagpapahalaga at pananaw sa buhay. Pinahalagahan ko ang aking sariling kapakanan, aking mga pagkakataon sa hinaharap, at aking tadhana bilang mas mahalaga kaysa ano pa mang ibang bagay. Sa pagkakita kay Yao Lan at sa kanyang pangkat ng masasamang pwersa ng anticristo na pinipinsala ang mga kapatid sa iglesia, nakumbinsi akong kailangan ko silang ilantad at iulat. Ngunit dahil natatakot akong usigin at matanggal sa aking posisyon at mga pagkakataon sa hinaharap, hindi ako nangahas na gawin ito, kahit gaano pa ang aking pagpapakasakit dito. Kaya’t pinahintulutan ko ang mga anticristo na gambalain ang iglesia at nagpaubaya dahil sa pakinabang, na hindi nangangahas na bumigkas ni isa mang salitang walang kinikilingan. Napagtanto kong ako’y nakagapos nang napakahigpit at natatanikalaan ng mga lason ni Satanas na anupa’t ako’y naging kasapakat nito, utusang aso; kasuklam-suklam ito para sa Diyos, at hindi ako karapat-dapat na mamuhay sa Kanyang harapan. Tinamasa ko ang mga taon ng gawain at paggabay ng Diyos, at itinaas Niya ako upang magampanan ko ang aking tungkulin bilang isang pinuno ng iglesia. Ngunit hindi ko alam kung paano ito papahalagahan at hindi inisip kung paano pangalagaan ang mga kapatid o panindigan ang gawain ng tahanan ng Diyos. Nabubuhay ako na lubos na nakasangkot sa aking mga makasariling pagnanasa na wala ni katiting na dangal o kalinisang budhi. Nabigo akong panindigan ang pagtitiwalang ibinigay sa akin ng mga kapatid. Sa pagka-isip nito, kinamuhian ko ang aking sarili sa pagiging makasarili at masama ko at bumigkas ako ng isang panalangin sa Diyos, na nakahandang magsisi. Hiniling ko sa Diyos na bigyan ako ng kalakasan at gabayan ako na makatakas sa madidilim na impluwensyang ito at maisagawa ang katotohanan.
Pagkatapos noo’y nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Ang disposisyon ng Diyos ay isa na pag-aari ng Tagapamahala ng lahat ng mga bagay at mga buhay na nilalang, sa Panginoon ng lahat ng sangnilikha. Kumakatawan ang disposisyon Niya sa karangalan, kapangyarihan, pagkamaharlika, kadakilaan, at higit sa lahat, sa kataas-taasang kapangyarihan. Ang disposisyon Niya ay ang sagisag ng awtoridad, ang sagisag ng lahat ng matuwid, ang sagisag ng lahat ng marikit at mabuti. Higit pa riyan, isa itong sagisag ng Siya na hindi maaaring[a] mapagtagumpayan o masalakay ng kadiliman at anumang puwersa ng kaaway, pati na rin bilang isang sagisag ng Siya na hindi maaaring masaktan (ni hindi rin Siya magpaparayang sinasaktan)[b] ng sinumang nilikhang nilalang. Ang disposisyon Niya ang sagisag ng pinakamataas na kapangyarihan. Walang tao o mga taong maaari o magugulo ang gawain Niya o ang disposisyon Niya” (“Napakahalagang Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Naunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos na naghahari ang Diyos sa lahat ng bagay, na sagisag ng pinakamataas na awtoridad ang Kanyang disposisyon, at walang pwersa ng kaaway o pwersa ng kadiliman na makalalaban dito. Palalayasin ng Diyos mula sa iglesia ang lahat ng pwersa ng kasamaan na nakagagambala at lubos silang aalisin. Ito ang direksyon ng gawain ng Diyos at ito’y realidad na tiyak na tutuparin ng Diyos. Pinamumunuan ni Yao Lan ang iglesia na tulad ng isang pinunong mapaniil, na kinukontrol at inuusig ang mga kapatid, habang pinagyayaman iyong pinakamalapit sa kanya at nagtatayo ng sarili niyang kaharian. Ginambala at pinanghimasukan niya ang gawain ng Diyos, gumawa ng lahat ng uri ng kasamaan, at labis na pininsala ang disposisyon ng Diyos. Isa siyang demonyong anticristo na palalayasin mula sa iglesia sa huli. Naisip ko kung paanong pinalayas dati ng tahanan ng Diyos ang napakaraming masasamang tao at mga anticristo: Gaano man sila kabagsik, magtatagumpay lamang sila ng sandali, at sa huli ay hindi nila matatakasan ang pagkastigo ng Diyos. Hindi ba ito ang katuwiran ng Diyos? Ngunit hindi ko naunawaan ang katuwiran ng Diyos, at hindi nagtiwala sa katotohanan na sa tahanan ng Diyos, nangingibabaw ang katotohanan at katuwiran, na ang Diyos ang naghahari. Tinitingnan ko ang tahanan ng Diyos na tila ba ito’y kagaya lang ng sanlibutan, na para bang makukontrol ang aking buhay ng sinumang may katayuan at kapangyarihan, at kung magalit sa akin sina Yao Lan at ang kanyang anak na babae, akala ko’y mawawala sa akin ang aking pagkakataon at patutunguhan sa hinaharap. Natatakot pa nga akong paghihigantihan nila — hindi ako nagtiwala sa paghahari ng Diyos sa lahat. Kahiya-hiya sa Diyos ang ganitong uri ng pananampalataya! Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos pagkatapos noon: “Ang Aking mga salita ang batayan ng pagtakas ng tao mula sa mga impluwensya ng kadiliman, at ang mga taong hindi makapamuhay alinsunod sa Aking mga salita ay hindi magagawang takasan ang mga gapos ng impluwensya ng kadiliman. Ang mabuhay sa tamang kalagayan ay ang mabuhay sa ilalim ng patnubay ng mga salita ng Diyos, ang mabuhay sa kalagayan ng pagiging matapat sa Diyos, ang mabuhay sa kalagayan ng paghahanap sa katotohanan, ang mabuhay sa realidad ng taos na paggugol ng sarili para sa Diyos, at ang mabuhay sa kalagayan ng tunay na pagmamahal sa Diyos. Yaong mga nabubuhay sa ganitong mga kalagayan at ayon sa realidad na ito ay unti-unting magbabago habang pumapasok sila sa kailaliman ng katotohanan, at magbabago sila habang mas lumalalim ang gawain; at sa huli, tiyak na magiging mga tao sila na nakamit ng Diyos at nagmamahal sa Diyos nang tunay” (“Tumakas Mula sa Impluwensya ng Kadiliman, at Kakamtin Ka ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang landas. Kung nais kong makalaya sa mga tanikala ng madilim na impluwensya ni Satanas, kailangan kong gumawa sang-ayon sa mga salita ng Diyos. Kailangan kong bitiwan ang sarili kong personal na kapakanan at kaisipan tungkol sa aking hinaharap, magsagawa ng katotohanan, ilantad at iulat iyong mga anticristo, at panindigan ang gawain ng tahanan ng Diyos. Kahit na ako’y matanggal sa aking tungkulin at mawala sa aking posisyon at mga pagkakataon, kailangan kong manatili sa mga katotohanang prinsipyo. Noong maunawaan ko ito, natagpuan ko ang aking kalakasan, at sumulat ako ng liham sa aking mga pinuno na iniuulat sina Yao Lan at Xiaomin.
Pagkalipas ng ilang araw, tinipon ng mga pinuno ang lahat ng mga kapatid upang tuklasin ang mga katunayan ng masasamang gawa nina Yao Lan at Xiaomin. Sang-ayon sa mga prinsipyo, tinanggal sina Yao Lan, ang kanyang asawa, at Xiaomin mula sa kanilang mga tungkulin. Hindi nagbulay-bulay sina Yao Lan at ang kanyang anak na babae o nagsubok na kilalanin ang kanilang sarili, sa halip ay dinalaw ang mga kapatid sa kanilang tahanan, nagkukunwaring nagsisisi, at itinatangis kung paanong trinato sila ng masama sa pagsisikap na linlangin ang mga kapatid. Lubos silang hindi nagsisisi, at sa huli, dahil sa kanilang masasamang gawa, nagtitika silang maging mga anticristo at manggagawa ng masama na gumawa ng lahat ng uri ng kasamaan, at tinanggal sa iglesia. Nagbalik sa normal ang buhay iglesia, nagpalakpakan at nagkasiya ang mga kapatid, at pinuri ng lahat ang katuwiran at kabanalan ng Diyos. Nakatulong ito sa akin na makita nang higit na malinaw na nangingibabaw sa tahanan ng Diyos ang katuwiran at katotohanan, na naghahari si Cristo doon, at, gaano man kasama at kapalasak ang masasamang pwersa ng anticristo, hindi nito magagapi ang awtoridad ng Diyos o magagambala ang gawain ng Diyos, lalo na ang kontrulin ang tadhana ng sinuman. Tulad lamang sila ng mga piyesa ng ahedres sa kamay ng Diyos, mga kagamitan na makatutulong magkaroon ng pagkaunawa ng mabuti at masama ang mga hinirang ng Diyos. Pinahihintulutan ng kanilang mga ginagawa na makita ng iba kung sino talaga ang mga anticristo at masasamang tao, upang hindi sila mailigaw. Sa pamamagitan ng karanasan na ito ng pag-uulat sa mga anticristong ito, ang pagbibigay ng liwanag, gabay, at pangunguna ng Diyos ang nagbigay lakas sa akin upang makalaya sa mga pwersa ng kadiliman at magsagawa ng katotohanan. Nagkaroon ako ng kapahingahan at kapayapaan sa aking puso, at nakadama na ang pagkilos nang ganito ang tanging paraan upang mabuhay na may karangalan at kalinisang budhi; nakadama ako ng kalayaan. Ito ang bunga ng pagsusulat ng tapat na ulat.
Lahat ng kaluwalhatian sa Makapangyarihang Diyos! Amen!
Mga Talababa:
a. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “sagisag ito ng pagiging hindi nagagawang maging.”
b. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “pati na rin bilang isang sagisag ng pagiging hindi nagagawang masaktan (at hindi nagpaparayang sinasaktan).”
Rekomendasyon: