Sino ang Nakaayon sa Diyos

Pagdating ni Jesus
1 min readDec 26, 2020

--

I

Naipahayag na ng Diyos ‘di mabilang na mga salita,

Kanyang kalooba’t disposisyon,

gayunman ‘di kaya ng mga tao

na makilala, maniwala o sumunod sa Kanya.

Ang iniisip n’yo lang ay pagpapala’t gantimpala,

hindi kung paano makaayon sa Diyos

o ‘di maging Kanyang kaaway.

Labis na nasiphayo ang Diyos sa inyo,

napakarami N’yang naibigay na sa inyo,

pero kaunti lang ang natamo mula sa inyo.

Ang mga nabubuhay sa Biblia o sa krus,

sa gitna ng batas o ayon sa doktrina,

o sa gitna ng gawaing ginagawa ngayon ng Diyos,

alin sa kanila ang nakaayon sa Kanya?

II

Ang inyong kayabangan, kasakiman, labis na paghahangad,

inyong pagkakanulo, pagsuway,

alin dito ang makatatakas sa pansin ng Diyos?

Siya’y inyong ipinapahiya, niloloko, dinaraya, sinisingil,

para sa mga sakripisyo’y kinikikilan Siya,

paano matatakasan ng lahat ng ito ang Kanyang kaparusahan?

Ang inyong masamang gawain ay patunay

ng pakikipag-alitan n’yo sa Diyos

at ‘di n’yo pagtugma sa Kanya.

Ang mga nabubuhay sa Biblia o sa krus,

sa gitna ng batas o ayon sa doktrina,

o sa gitna ng gawaing ginagawa ngayon ng Diyos,

alin sa kanila ang nakaayon sa Kanya?

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

--

--

Pagdating ni Jesus
Pagdating ni Jesus

Written by Pagdating ni Jesus

Natutupad na ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon, kaya paano natin sasalubungin pagdating ni Jesus?

No responses yet