Sino ang Matapat na Nag-aalay ng Sarili sa Diyos?
Ⅰ
‘Pag humihingi Ako sa tao,
isinasara niya agad kanyang “kamalig.”
‘Pag Ako ay nagbibigay,
siya’y agad na ngumanganga
upang lihim na kunin ang Aking yaman.
Sa puso niya’y siya’y nanginginig,
takot na siya’y Aking gantihan.
Kaya kalahating bukas at sarado ang bibig niya;
ang yaman Kong ‘binibigay,
‘di niya matamasa.
Sa mga tao sa mundo ngayon,
kabilang ang mga nasa ‘King sambahayan,
sino ang tunay na nanganganlong sa Akin?
Nagbibigay ng puso nila
para sa ‘King binayaran?
Sino na’ng nanahan sa ‘King sambahayan?
May tunay bang naghandog ng sarili sa Akin?
May tunay bang naghandog ng sarili sa Akin?
Ⅱ
‘Di ko basta pinarurusahan ang tao,
ngunit lagi niya ‘Kong pinipigil,
hinihiling na siya’y Aking kaawaan.
‘Pag sa ‘Kin siya’y nagsusumamo,
“awa” ay muli Kong pinakikita,
binibigyan Ko siya ng malupit na salita,
upang siya’y makaramdam ng hiya,
hindi makatanggap ng Aking “awa,”
ipinapapasa ‘yon sa kanya ng iba.
‘Pag ang Aking salita’y
lubos niya nang naunawaan,
tayog niya’y nagiging akma
sa ‘King kagustuhan,
ang pagsamo niya’y mabunga,
at hindi walang halaga;
Katapata’y pinagpapala, ‘di pagkukunwari.
Sa mga tao sa mundo ngayon,
kabilang ang mga nasa ‘King sambahayan,
sino ang tunay na nanganganlong sa Akin?
Nagbibigay ng puso nila
para sa ‘King binayaran?
Sino na’ng nanahan sa ‘King sambahayan?
May tunay bang naghandog ng sarili sa Akin?
May tunay bang naghandog ng sarili sa Akin?
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin